Carla Abellana shows more enthusiasm talking about Gabby's sex appeal than V-day date with Tom

Carla Abellana says she has never been pursued by a married man nor does not see herself falling for a family man with kids like her character in the teleserye Because of You.


Tila wala man lang lang kakili-kiliti ang naging sagot ni Carla Abellana nang kumustahin ang Valentine’s Day nila ng rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

“Ano ba ang ginawa ko nung Valentine? Nakalimutan bigla, e!” natatawa niyang sabi.
 
“Ganun ako, e, kasi parang every day, iba-iba palagi at saka parang ang bilis-bilis ng panahon. 

“Supposedly pupunta ako ng Tagaytay, sa house namin.
 
“Nandoon na ang mom ko Friday pa lang, pero ibinalita na niya sa akin, pati yung architect ko, na magkaka-migraine lang daw ako sa traffic.

“Hindi na ako tumuloy, so dito lang.”
 
Silang dalawa ni Tom ang magkasama sa Maynila?
 
“Nagkita kami,” tugon ni Carla.
 
May espesyal ba silang ginawa noong Valentine’s Day?
 
“Flowers, siyempre may flowers. Dinner, yun.”

MESMERIZED. Sa ngayon, wala pa raw alam si Carla na kasunod na teleserye niya kapag natapos na ang romantic-comedy na Because of You na kasalukuyang umeere sa GMA Network.

Leading men niya rito sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell.

Kung sakali, gusto ba niyang si Tom muli ang kanyang maging kapareha?
 
Ayon kay Carla, “Kahit sino, kahit drama ulit.

“Hindi naman sa na-miss, pero siyempre, mas sanay ako sa drama. 

“Kahit drama siya or light ulit, kahit ano naman.”

Ngayong nakasama na ni Carla si Gabby sa teleserye, napatunayan ng aktres na malakas ang sex appeal ng dating matinee idol.
 
Ayon kay Carla, “Kahit saan ako magpunta, kahit anong age ‘yan, talagang mesmerized sila.

“Nagiging instant fan sila or matagal na silang fan. 

“Si Tracy ng Ismol Family, sabi niya sa akin, ‘Bakit ganun, kahit sinong lalaki ang itabi kay Kuya Gabby, pangit?’ 

“Kaya iba talaga, e. Like what I’ve said, kahit anong age pa, kahit matagal na niyang fan or ngayon pa lang…  talagang name-mesmerize sa kanya.”
 
Na-mesmerize din ba siya?
 
“Siguro ano lang ‘yan, good health, inaalagaan niya ang panlabas niya… nag-e-exercise.

“Talagang kapag inalagaan mo ang sarili, no matter what age you are, talagang hindi lalabas.
 
“Talagang forever you’ll look young.”
 
Sila naman ni Rafael ay nagkasama na dati sa trabaho kaya mas kilala na raw nila ang isa’t isa.
 
Sabi pa ni Carla, “Okey naman, ano nga yung role namin dito, although hindi maganda nung umpisa.

“Kasi dapat ikakasal sila tapos hindi natuloy. Pero eventually naging friends sila at napatawad siya ni Andrea, naging close sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHILDHOOD MEMORIES. Parang nakikita raw ni Carla ang sarili niya kay Andrea, ang karakter niya sa Because of You na pinutol ang pakikipagrelasyon sa isang pamilyadong lalaki na ginagampanan ni Gabby.

In real-life kasi, hindi raw siya papasok sa isang relasyon kung may pamilya na ang isang lalaki.
 
May nanligaw na ba sa kanyang may asawa na o kahit annulled na?
 
“Wala pa,” nakangiti niyang sabi.

Si Carla ay anak ng aktor na si Rey "PJ" Abellana kay Rea Reyes, apo ng dating LVN star na si Delia Rzaon.
 
Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Carla at nagkaroon ng kani-kanilang buhay.
 
May epekto ba ito sa mga desisyon ng Kapuso actress pagdating sa kanyang love life?
 
Lahad ni Carla, “Noong naghiwalay ang parents ko, I was only three, so I don’t remember anything, hindi ko naman maalala. 

“So growing up, nasanay ako na meron akong mga half-sisters and half-brothers, so masaya ako.
 
“Saka I love the fact na magkakakilala kaming lahat, magkakasama kami.

“Nagsi-celebrate kaming magkakasama kung may birthday o Pasko.

“So, parang yun na lang ang memory ko na lumalaki na may half-siblings ako.
 
“Pero sabi ng mama ko, naapektuhan din daw kaming magkapatid nung naghiwalay sila.

“Mas madalas na hinahanap ko siya o madalas kaming umiiyak, pero hindi ko na maalala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN