Gabby Concepcion jokes about daughter KC's ex-boyfriends

Gabby Concepcion is past that age, but in the eyes of his longtime fans, he remains their matinee idol. Will they see him doing movies again? "May nakukuha akong script, yung role hindi ko gusto, talagang hindi ko tinatanggap," he says.


Nabanggit kay Gabby Concepcion na tila nagkakamabutihan nang muli ang anak niyang si KC Concepcion at ang ex-boyfriend nitong si Paulo Avelino.

Umingay ang ganung espekulasyon dahil nakakasama ni KC ang kapatid na babae ni Paulo sa pangangabayo nito.
 
Pero ayon kay Gabby, “Naku, hindi ko alam, zero ako sa issue na ‘yan.
 
“Hindi sa no comment, pero talagang hindi ko alam.”
 
Pero kung sakali, “Ayos lang!”
 
Biro pa ng aktor, “Maganda nga may teleserye kami kasama sila Paulo and Piolo [Pascual]. 

"Lahat P, pati Papa.”

Si Piolo ay naging boyfriend din ni KC.

WHAT’S NEXT? Hindi pa masagot ni Gabby kung pagkatapos ng primetime series na Because of You ay sa Kapuso network pa rin ang susunod niyang proyekto o babalik siyang muli sa ABS-CBN.

Pero hindi naman niya ikinailang may alok na sa kanya.

Masaya raw si Gabby na nagawa niya ang Because of You dahil sa light na tema nito, pero wala naman daw siyang problema kung anuman ang susunod na maging proyekto niya.
 
“Kahit na ano, hindi naman ako choosy,” saad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng teleserye nila noong February 17 sa GMA Annex building.
 
Sabi pa niya, “Actually, nagpapasalamat ako simula nang dumating ako.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay na nangyari.”

Tinatawag kasi siya ngayong "Boss Yummy" na nag-umpisa sa Because of You, at dahil sa teleseryeng ito ay bumalik ang pagiging matinee idol niya.
 
Samantala, maraming ginagawang projects ang Viva Films ngayon.

Bilang isang Viva artist si Gabby, may pelikula ba siyang gagawin?
 
Sagot niya, “Wala, walang role, e. May nakukuha akong script, yung role hindi ko gusto, talagang hindi ko tinatanggap.”

At natawang sabi niya pa, “Parang contradiction sa sinabi ko na hindi ako choosy, pero wala pa.”  

Sa mainstream movie nag-umpisa at nakilala si Gabby bago nito pinasok ang telebisyon. Okey ba kung may mag-alok sa kanya ng indie film?
 
Tugon ni Gabby, “Oo naman, hindi pa ako nakakagawa, pero may kumausap sa akin noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaso, kasabay ng mga teleserye kaya hindi ko pa matanggap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN