Rafael Rosell would rather surf than go courting again

Here's Rafael Rosell talking guy talk: "Kapag may kasalanan ang lalaki sa babae… ano pang puwedeng gawin ng lalaki? Magpakabait ka na lang."


Isang taon na raw single si Rafael Rosell.
 
“Single as can be,” nakangiti niyang sabi nang makausap ng entertainment press sa set visit ng primetime series na Because of You noong February 17.
 
Wala pa raw talaga sa plano niya ang mag-settle down.
 
“Wala pa, marami pa talaga akong plano sa buhay.

“Pero tulad ng sinabi nila, if the right time comes along, wala nang ready-ready, go lang nang go,” sabi ni Rafael.
 
Wala sa love life ang focus niya at wala siyang nililigawan, pero perfect daw ang Valentine’s day niya.
 
“Ka-date ko si Alona,” banggit niya,

Sino? 

“Ang aking alon, sobrang ganda; walang hangin, ang ganda ng pagsi-surf.”

Surfing ang tinutukoy na ka-Valentine ni Rafael.

REEL AND REAL LIFE. Kumpara sa mga nakaraang karakter na ginampanan ni Rafael sa mga teleserye, tila “harmless” ang role niya sa Because of You.

Saad niya, “I think ganun talaga, kapag may kasalanan ang lalaki sa babae.

“Tulad nung iniwan niya sa kasal, wala na siyang karapatang maging masama.”

Paliwanag pa niya, “I mean, you have to give everything a chance, kailangang patunayan mo na seryoso ka na this time.

“Ano pang puwedeng gawin ng lalaki? Magpakabait ka na lang.”
 
Dalawa sila ni Gabby Concepcion na leading men ni Carla Abellana sa serye. Sa palagay niya, siya ba ang dapat piliin ni Carla sa pagtatapos ng Because of You?
 
Ayon kay Rafael, “Ako, personally, wala akong opinion kung ano ang pinipili ng mga tao.

“I believe love is for each individual naman.

“As Rafael Rosell, ang wish ko para sa mga babae sa buhay ko, magkaroon sila ng experience sa lalaki na hindi naman sabit.

“I might swallow my word in the future, but my wish para sa mga babae is to start off fresh, start something new.
 
“I mean, who wants a second-hand diamond, di ba?” pagtukoy niya sa karakter ni Gabby na annulled sa asawa at may mga anak.
 
Dugtong din niya, “Siyempre, biased sa character.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-e-enjoy raw si Rafael sa paggawa ng Because of You na nakapagpatawa siya at mas light ang karakter niya.
 
ENCANTADIA. Hindi naman masagot ni Rafael nang tanungin ito kung kasama rin ba siya sa remake ng Encantadia.

“Wala pa namang sinasabi sa akin tungkol sa audition.

“Pero nabanggit sa akin ni Direk Mark [Reyes] tungkol sa Encantadia.
 
“Kinausap ko na si Popoy [Caritativo], pero hindi pa siya nagpa-follow up.”
 
Kung sakali, gusto ba niyang gawin ang Encantadia?
 
“Okey lang, action, costume.

“Kung sakali, physicality at kakaibang mundo. Yun, masaya yun, imagination.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN