Singer Maya admits dating actor Geoff Eigenmann

Maya describes Geoff Eigenmann as 'sweet': "Kasi, sobrang ma-effort niya. Like sa gig ko, may gig ako na sobrang late na, like 3 A.M., pero dumadaan pa rin siya. Minsan, hinahatid niya akong pauwi sa Marikina. I mean, from Parañaque to Marikina, para ihatid lang ako, yun po."


Nilinaw ng singer na si Maya na hindi pa niya boyfriend ang aktor na si Geoff Eigenmann.

Taliwas ito sa kumalat na balitang sila na dahil sa parehong Instagram posts nina Maya at Geoff na may caption na “day 1.”

Sina Maya at Geoff ay parehong nasa pangangalaga ng PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maya sa pocket presscon para sa ilang PPL artists sa The Stockpile Restaurant, sa Ortigas Center, kagabi, February 18, ay inusisa siya tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Geoff.

“Ang hirap pala ng ganito!” natatawang sagot ng dating miyembro ng Pan-Asia girl group na Blush.

Iginiit ni Maya na wala pa siyang boyfriend ngayon.

Pero ano ang ibig sabihin ng parehong IG posts nila ni Geoff na dalawang wine glass at may caption na “day 1”?

day 1

A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann_) on

day 1

A photo posted by Maya (@blushmaya) on

“First date!” natatawang sagot niya.

Kailan nagsimula ang lahat sa kanila?

“A few months,” tila naiilang pa ring sabi ni Maya.

Pero patuloy niya, “Hindi, kasi nami-meet ko naman siya, kasi nga sa PPL.

“Pero never na nagkaroon ng chance na mag-usap kami, ganun.

“Tapos, yun nga, madalas ako dito sa The Stockpile dahil sa gigs, tapos madalas din siya rito kasi co-owner din siya.

“Nagulat na lang ako minsan, naupo siya sa harapan ko. Na-conscious naman ako!”

Inamin ni Maya na sa ilang pagsasama nila noon, hindi niya napapansin si Geoff kaya nabigla rin daw siya.

“Sobrang tahimik lang din naman niya,” sambit pa ng dalaga.

COURTING STAGE. Hindi naman itinanggi ni Maya na nanliligaw sa kanya si Geoff.

Binanggit kay Maya na matagal naging single si Geoff pagkatapos ng breakup nito sa aktres na si Carla Abellana.

Kaya masasabing siya ang nagpatibok muli sa puso ng Kapuso actor.

Reaksiyon ng singer, “Ganun ba yun? Naku, ewan ko, siguro parang nag-click lang kami. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sinasabi nila na parang tahimik siya, yun ang nakikita natin.

“Pero nang magkaroon kami ng chance na magkausap nang for real, sobrang nakakatawa siya.

“Hindi siya tahimik, ano lang yun, joke lang yun. At saka mahilig din siyang mang-asar.

“Sobrang chill lang niyang tao, simple. 

“Hindi ko naisip na siya nga pala si ano… hindi ko naisip na ito nga pala ang mundo niya.”

Sa tingin ni Maya, musika ang parehong interes nila ni Geoff kaya nagkasundo sila.

“Actually, sobrang magkaiba ang ano ng music namin, pero enjoy.”

V-DAY. Ano ang ginawa nila noong Valentine’s Day?

Ayon kay Maya, “Out-of-town siya, e. Tapos ako may work. 

“Pero bago siya umalis, dumaan siya sa gigs ko, nagdala siya ng flowers.”

Sweet ba si Geoff?

“Sobrang sweet kaya,” nakangiti niyang sabi.

Bakit niya nasabing sobrang sweet ni Geoff?

Paliwanag ni Maya, “Kasi, sobrang ma-effort niya.

“Like sa gig ko, may gig ako na sobrang late na, like 3 A.M., pero dumadaan pa rin siya.

“Minsan, hinahatid niya akong pauwi sa Marikina.

“I mean, from Parañaque to Marikina, para ihatid lang ako, yun po. 

“Pero happy lang po. Dating, yun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN