Manny Pacquiao stays positive amid disqualification threat

Hindi raw apektado si Sarangani Congressman Manny Pacquiao kahit patuloy pa rin siyang umaani ng batikos dahil sa kanyang pananaw sa same-sex marriage. Hindi rin siya nababahalang maaari siyang maharap sa isang disqualification case bilang kandidato sa pagka-senador dahil sa kanyang nakatakdang laban kay Timothy Bradley sa Abril.


Hindi raw nababahala si Sarangani representative at UNA (United Nationalist Alliance) senatorial candidate Manny Pacquiao na maaari siyang madiskuwalipika sa darating na May 2016 elections.

Ito ay dahil sa nalalapit nitong laban kay Timothy Bradley sa Abril.

Ayon sa nagrereklamong si Walden Bello, magkakaroon ng libreng airtime at media mileage ang Pambansang Kamao bilang isang tumatakbong kandidato.

Tinatayang sosobra sa inaatas ng batas ang makukuhang airtime ni Manny dahil pag-uusapan siya sa lahat ng klase ng media bago ang laban, sa araw ng laban, at maging pagkatapos nito.

Sabi ni Manny, ayon sa ulat ng ABS-CBN News online ngayong araw, February 20, willing siyang i-postpone ang laban nila ni Bradley sakaling iutos ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban muna niya ito.

Ngunit ayon sa Pambansang Kamao, hindi naman ito ang unang laban niya tuwing election period.

Sabi ng mambabatas, "Kung iyan ay against the law, sa rules, bakit hindi?

"Pero hindi naman ito ang unang laban ko na tumakbo ako sa eleksiyon, mga nakalipas na eleksiyon lumaban din ako. Wala naman.”

April 2007, nakipaglaban si Manny sa ring kontra kay Jorge Solis, bago pa siya tumakbo bilang kongresista sa South Cotabato; ngunit natalo siya sa eleksiyon.

Noong Marso 2010, nakipagbabakan din siya kay Joshua Clottey sa gitna ng kampanyahan. Nanalo na siya sa pagkakataong ito bilang Sarangani congressman.

Sabi naman ni Comelec Chairman Andres Bautista na pag-aralan nila ang naturang isyu at hinikayat si Walden Bello, ang promotor ng isyu, na maghain ng pormal na reklamo sa kanilang tanggapan.

CONTROVERSIAL STATEMENT. Hindi rin daw nababagabag ang 37-year-old Pinoy boxing champ sa patuloy pa ring batikos na kanyang natatamo dahil sa pananaw niya sa same-sex marriage.

Matatandaang sinabi ni Manny na “masahol pa sa hayop” ang mga taong nagpapakasal sa kaparehong kasarian.

Saad niya, “I'm not bothered, that's the world. I mean, Jesus lives in me so I'm always happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga ng Bible, every day has enough troubles of its own, so don't be bothered about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN