TV5 in hot water over 'malicious editing' of Manny Pacquiao's interview

Ayon sa dating National President ng KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) na si Mario Garcia, malisyoso ang pagpapalabas ng 30-second video clip ni Sarangani congressman at senatoriable Manny Pacquiao dahil 'taken out of context' daw ang naging dating ng kanyang pahayag tungkol sa same-sex marriage. Aniya, "Hindi tama yung mag-edit [out]. Bawal sa code yun [ng KBP]. Hindi pupuwedeng ie-edit mo yung statement para yung statement will be taken out of context."


Malisyosong pagka-edit ang turing ng dating pangulo ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa 30-seconder video ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa kanyang pahayag tungkol sa same-sex marriage.

Matatandaang noong February 16, naglabas ang TV5 ng kanilang panayam kay Manny ng maiksing video, para sa kanilang election coverage na Bilang Pilipino, na nagsasaad ng pananaw ng Pambansang Kamao sa pagpapaksal ng may kaparehong kasarian.

Pahayag ng Pinoy boxing champ: “Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae, babae, o di ba? Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?”

Umani ng sangkaterbang batikos si Manny dahil sa kanyang statement at nadamay pati ang major endorsement deal niya sa Nike.

Hindi rin siya tinantanan ng mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community na nagpahayag ng pagkadismaya kay Manny dahil sa pagkukumpara niya sa tao at sa hayop.

Pero nitong February 19, Biyernes, lumabas ang isang minutong video clip kung saan may buong paliwanag ang Pambansang Kamao tungkol sa kanyang opinyon sa same-sex marriage.

Mas nalinawagan ang naging stand ni Manny laban sa same-sex marriage.

Manny P.

Eto ang tunay na clip! Gago din ang media eh!!!Panoorin nyu bago nyu ibash si Manny PacquiaoShare nyu nadin!#KupalLord#KupalCares#SiKupalAngMayAlamCTTO

Posted by Kupal Lord on Thursday, February 18, 2016

Read: Manny Pacquiao full statement on same-sex marriage goes viral

TV5 UNDER FIRE? Sa ulat ni Snow Badua ng SPIN.ph ngayong araw, February 20, hindi raw nagustuhan ni Mario Garcia, isang broadcasting professor at dating KBP National President, ang inilabas na unang video ng TV5 dahil 'taken out of context’ daw ang kinalabasan nito.

Saad niya, “Naipaliwanag pala niya dun sa kabuuan ng statement [yung gusto niyang mensahe na sabihin].

“Palibahasa na-edit yung kanyang statement, nagkaroon ng masamang meaning, naka-explain pala dun, e, yung konteksto nung sinabi.

“Hindi tama yung mag-edit [out]. Bawal sa code yun [ng KBP].

“Hindi pupuwedeng ie-edit mo yung statement para yung statement will be taken out of context.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The statement was taken out of context dahil in-edit. Pinutol. Malisyoso yun.

“May intention to sensationalize [the interview], obviously.

“Kung mahaba yung statement tapos pinutol, e, di sumama.”

Hinamon din ni Garcia ang TV5 at ang producers ng Bilang Pilipino na ilabas na ang buong panayam kay Manny at imbestigahan kung sino ang nasa likod ng paglabas ng edited video.

“Dapat [mag-imbestiga sila] at [magpaliwanag sila] bakit na-cut at bakit in-edit out of context.”

Wala pang pahayag ang TV5 matapos lumabas ang full video ni Manny.

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng statement mula sa pamunuan ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN