Lav Diaz's Hele sa Hiwagang Hapis wins Silver Bear Alfred Bauer prize at Berlin filmfest

Lav Diaz's film Hele sa Hiwangang Hapis, starring John Lloyd Cruz and Piolo Pascual, wins the Silver Bear Alfred Bauer prize at the 66th Berlin International Film Festival. The award is given to films that opens new perspective on cinematic art.


Tumanggap ng parangal ang Filipino director na si Lav Diaz para sa kanyang 8-hour film na Hele Sa Hiwagang Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) sa katatapos lang na 66th Berlin International Film Festival closing and awards night.

Ito ay Silver Bear Alfred Bauer prize, isang parangal na ibinibigay para sa mga pelikulang nagpapakita ng panibagong perspective para sa cinematic art.

Ang Hele Sa Hiwagang Hapis ay pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Cherie Gil, Angel Aquino, Bernardo Bernardo, at Bart Guingona.

Ilang mga larawan ng cast at production team mula sa Berlin ang nai-post sa social media.

Sa Instagram post na ito ng Star Cinema ay kasama ni John Lloyd ang Berlin filmfest juror at Oscar-winning actress na si Meryl Streep:

 Nasa Berlin din ang producer ng pelikula na Paul Soriano, na kasamang tumanggap ng trophy mula kay Meryl:

"Lav wins!" saad ni Paul sa kanyang photo caption ng director ng pelikula na si Lav Diaz.

OTHER WINNERS. Ang documentary film tungkol sa migrant crisis sa Europe na Fire at Sea ang nanalong Golden Bear award for best movie sa Berlin Film Festival.

Ang best director award naman ay napunta kay Mia Hansen para sa Love for Things to Come.

Ang Tunisian actor na si Majd Mastoura naman ang nanalong Best Actor para sa kanyang pagganap sa Inhebbek Hedi, habang ang Danish actress na si Trine Dyrholm ang annalong Best Actress para sa Kollektivet.

Ang Silver Bear Grand Jury Prize naman ay iginawad sa Death in Sarajevo at sa direktor nitong si Danis Tanovic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN