Marian Rivera says motherhood completes her: "Parang naging mas buo yung pagkatao ko."

Marian Rivera proudly shares her new adventures as a proud hands-on mom to Baby Zia: "Proud ako na magti-three months na akong walang [infant] formula. Purong akin lang. Ako ang nagpapaligo, kami ni Dong ang nagpapaligo, so lahat."


“Marami, maraming nagawa sa buhay ko yung pagiging isang ina.

“At sinasabi ko nga, parang wala yata akong maikukumpara o maihahambing na malapit na pakiramdam.

“Although siyempre, iba yung pag-aasawa, pagpapakasal.

“Parang ang pagkakaroon ng isang anak, parang naging mas buo yung pagkatao ko—literal.

“Iba talaga kapag nanay ka.”

Ito ang pahayag ng proud mommy na si Marian Rivera, na talaga namang “hands-on mommy” sa kanilang tatlong buwang first-born daughter na si Maria Letizia, o Baby Zia.

Wala raw silang yaya para sa anak nila ni Dingdong Dantes.

Pagmamalaki niya, “Ako ang nagpapaligo, kami ni Dong ang nagpapaligo, so lahat.”

Nagbe-breastfeed pa rin si Marian kay Baby Zia o Baby Z.

Sabi pa niya, “Proud ako na magti-three months na akong walang [infant] formula. Purong akin lang.”

Nakausap si Marian ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media noong Martes, February 16, sa GMA Network Center.

LIGHT WORKING SCHEDULE. Ngayong nagbabalik-showbiz si Marian ay hindi naman gaanong maapektuhan ng schedule niya bilang artista ang pagiging hands-on mommy niya.

Sabi niya, “Laking pasasalamat ko sa GMA.

“Tulad ng sinabi ng management ko, especially ng manager ko si Rams David, sobrang inaalagaan talaga ako ng GMA.

“Na kahit nabuntis ako, nawala ako ng ilang buwan, e nag-iisip pa rin talaga sila ng para sa akin, yung project ko, so napag-usapan na…

“Kinu-consider talaga nila yung mga 'excuse' ko talaga, bilang may anak ako at nahihirapan talaga ako na iwan si Zia.”

HAPPY ABOUT SHOWBIZ COMEBACK. Sa pagbabalik ni Marian sa Kapuso Network, ang mga gagawin niya ay ang Encantadia, isang soap opera, isang talk show at ang pagbabalik niya sa Linggo, February 21, sa Sunday PinaSaya.

Kuwento ni Marian, “And dami nilang inilatag sa akin na soap opera, pero sabi ko nga, siguro ito yung talagang magagawa ko dahil hindi magiging mabigat para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, mahal ko ang trabaho ko, priority ko rin ang anak ko.

“So itong sa Encantadia, bilang Inang Reyna ay konti lang [ang oras ng taping], maalaagaan ko pa rin ang anak ko.

“Kumbaga, half day lang akong mawawala sa anak ko.”

Masaya rin daw si Dingdong sa pagbabalik-showbiz ni Marian.

“Sabi niya, ‘Maraming naghihintay sa 'yo lalo na sa Sunday PinaSaya.’

“Sabi ko, ‘Okay.’

“Pero sabi ko, hati ang emosyon ko, e. Ang hirap.

“Nasasaktan talaga ako pag nakikita kong iiwan ko yung anak ko.

“Umiiyak talaga ako pag iniiwan ko yung anak ko. Ang hirap!

“E, siyempre kailangan ko ring magtrabaho.

“Yung mga talk shows, parang twice a week ka lang magte-taping.

“Tapos yung Encantadia, may cut-off ako, na alam nila na mahihirapan ako at mahihirapan yung anak ko na iwan ko.

“Kaya talagang sabi ko nga napakalaki ng kunsiderasyon sa akin ng GMA para bigyan ako ng magandang proyekto pa, tapos at the same time nagmi-meet halfway pa kami sa mga dapat kong gawin bilang isang ina,” detalye pa niyang kuwento.

HAPPY BABY. Kumusta naman si Baby Zia?

Pagmamalaki niya, “Masayahin siya e, hindi siya iyakin na bata.

“Palangiti. Kung tumawa parang ako lang, halakhak!”

Magpapahinga muna raw sila ni Dingdong ng mga dalawang taon bago sundan si Baby Zia.

“Tapos, bubuo kami ng mga kapatid,” at tumawa si Marian.

“Siyempre pangarap ko 'yan. Gusto ko maraming anak, e.”

NEW TALK SHOW. Tinanong naman namin si Marian: kung siya ang papipiliin, sino ang nais niyang maging pinaka-unang guest sa gagawin niyang talk show sa GMA.

Dito na rin nakapagbigay ng hint si Marian kung anong klaseng talk show ang gagawin niya para sa Kapuso Network.

Ani Marian, “Guest? Hmmm…

“Ayokong masabi kung ano, e.

“Pero sabihin na lang natin na yung flow ng sitwasyon, e...

"Ang pagtu-talk show na ito ay hindi pilit, yung ito ay mababase sa kung anong experience ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So dun iikot.

“May guests siyempre.

“Pero siyempre niluluto namin na mas magandang proseso siya at mas gusto ko yung alam ko kung ano ang sinasabi ko kapag naghu-host ako.

“At ito yung mga nae-experience ko na, “Ay, ganito yung experience ko!’

“Example lang, bilang isang ina, ‘Ano ba kayo, parehas ba tayo?’

“So makaka-relate ang bawat isa talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN