Sancho delas Alas explains why Jiro Manio was sent back to rehab: "Chronically ill na po si Jiro."

Sancho delas Alas explains why they sent Jiro Manio back to rehab: "Chronically ill na po si Jiro, e. Kumbaga, hindi na po ito yung… hindi na po siya yung dahil sa drug abuse whatsoever. Kumbaga, hindi na po talaga siya maka-recover."


Nakapanayam namin si Sancho delas Alas tungkol sa pagbabalik-rehab ni Jiro Manio na nasa pangangalaga ng ina niyang si Ai-Ai delas Alas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa taping ng Wish I May ng GMA-7 sa Quezon Memorial Circle noong nakaraang Lunes, February 15.

Hindi naman raw dahil bumalik sa bisyo kaya muling na-rehab si Jiro.

Paliwanag ni Sancho, “Hindi naman po sa bumalik sa bisyo, pero…

“Hindi na po kasi siya stable, e.”

Kung hindi na stable si Jiro, bakit sa rehab at hindi sa ospital ito dinala?

Dagdag niya, “Dun po siya natututukan tsaka dun po nag-start yung recovery niya.

“So feeling po ni Mama, dun din po yung pinaka-best na ibalik po siya for now.

“Kasi nag-workshop po kasi kami.”

Dapat sana ay lalabas sa isang episode ng Magpakailanman sina Jiro at Sancho.

Sabi niya, “Opo, magre-ready po dapat kami.

“Kaso parang hindi po talaga, e.”

Comeback sana ni Jiro ang naturang Magpakailanman episode.

“Kaso hindi po ano, e... parang hindi po talaga kaya.”

CHRONICALLY ILL.” Itinanong namin kay Sancho kung ano ang ibig niyang sabihin sa statement niyang “parang hindi pa kaya.” Ano ba ang nangyayari kay Jiro?

Paliwanag pa ni Sancho, “Chronically ill na po si Jiro, e.

“Kumbaga, hindi na po ito yung… hindi na po siya yung dahil sa drug abuse whatsoever.

“Kumbaga, hindi na po talaga siya maka-recover.”

Gagaling pa ba si Jiro kung chronically ill na ito?

Dasal niya, “Sana, sana po.”

SADDENED BY JIRO'S SITUATION. Ikinalungkot ba ito ni Sancho? Lalo pa at pamilya na ang turing nila kay Jiro.

“Naaawa po kasi parang sayang, e.

“A lot of people naniniwala sa kanya and kahit kami, parang... sana man lang, makabalik siya.

“Bata pa po kasi si Jiro, e.

“Kaya sana malagyan niya ng direksyon yung buhay niya kasi iyon nga po, may anak din po siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba na sa workshop nila, walang mailabas na emosyon si Jiro maliban sa galit?

“Iyon na po yung closest sa pinaka-totoo,” saad ni Sancho.

WEIRD GESTURES. Nakakausap naman raw niya si Jiro noong una itong lumabas sa rehab.

Detalyeng kuwento pa ni Sancho, “Actually, hindi po weird.

“Maayos siya. Meron lang po siyang mga weird gestures na paulit-ulit.

“Parang, napag-usapan na namin ito unang beses, tapos babanggitin niya ulit—pangalawa, pangatlo, pang-apat.”

NEVER GOT HOOKED ON DRUGS. Diretso naming tinanong si Sancho kung siya ba ay nakaranas ding mag-drugs.

Mabilis niyang tanggi, “Ay, naku po! Never po ang shabu! Never po ang shabu.”

Umamin naman siya na nakasubok siyang gumamit ng marijuana.

“Iyan. I’ve smoke weed po pero never, never shabu,” diin niya.

Mabuti at malakas ang control niya at nakaiwas siya sa shabu.

“Maliban po sa control, kasi may mga nakilala na din po kasi ako na hindi na, na hindi na [naka-recover].”

Kahit sa marijuana ay hindi raw siya na-hook. Subok lang daw talaga ang ginawa niya.

DEVASTATING EFFECTS OF DRUG USE. Natuto na raw siya sa mga tao sa paligid niya.

Paglinaw niya, “Hindi naman po yung close friends ha? May mga kakilala po na parang…”

Nasira ang buhay?

“Tsaka iyon nga po, ang hirap pong mag-bounce back.

“Tsaka kahit hindi po friends, like mga tito ng barkada, ganyan.

“Na parang nakakasama po namin sila and that time hindi naming sila nakakausap ng maayos.

“Na nung time na hindi ko pa po masyadong naiintindihan yung effect sa kanila, parang, ‘Ang weird, bakit ka ganyan?’

“Parang kami, ‘Bakit ganun si Tito?!’

“Wala na sa konteksto yung sinasabi niya sa amin,” at natawa si Sancho.

Doon siya na-trauma?

Paglinaw niya, “Hindi naman po trauma, pero kumbaga… tsaka may proper guidance naman po ako ni Mama, e.

“Sinasabi naman niya na kumbaga, ‘Makinig ka na from me. Based on my experiences, ito yung mga bagay na mararanasan mo pag pinasok mo yang ganyang bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikinig naman ako sa kanya and never pa naman po akong napahamak ng kapapakinig sa kanya. Kaya okay naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN