James Reid says he admitted relationship with Nadine Lustre not because of the fans

James Reid recounts the details from the eventful dinner date last February 11, where he first admitted his feelings for his love team partner Nadine Lustre. James publicly declared his feelings for Nadine last night, February 20, after their successful Jadine In Love concert at the Araneta Coliseum.


Sariling desisyon daw ni James Reid ang pagkumpirma ng relasyon nila ng ka-love team na si Nadine Lustre sa JaDine in Love concert noong February 20.

Hindi raw niya ito ginawa dahil lamang sa mga fans.

Pahayag ng Kapamilya hunk, “I just wanna do it.

“I didn’t do it for my fans, I just did it for my own.”

Natuwa rin naman daw ang Kapamilya actor dahil karamihan sa kanilang mga tagasuporta ay naging masaya para sa kanila ni Nadine.

“I expected it [na masaya sila].

“I am happy that they are happy, I am happy that everyone’s happy.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si James sa Manulife’s Move mall event ngayong araw, February 21, sa EDSA Shangri-La Grand Atrium.

LIGAWAN STAGE. Nang tanungin naman ang Fil-Aussie Kapamilya hunk kung paano niya niligawan si Nadine, nabanggit niya na kahit sa ibang bansa siya lumaki, tradisyunal pa rin daw ang ginawa niyang panunuyo sa kanyang nobya.

Kuwento niya, “For me, I guess 'coz I am Australian, I grew up in Sydney, the way… when we court there it’s different.

“Of course, the first person to know was the father.

“I asked permission to him first a while back.

“I try to keep the Filipino tradition.”

Bumibisita rin ba siya sa bahay nila Nadine dati para manligaw?

Sagot ni James, “Yes, I did.”

FEBRUARY 11. Simple lang daw ang ginawang pag-amin ni James ng kanyang nararamdaman kay Nadine.

Noong una raw ay gusto niyang isorpresa si Nadine at umamin sa kanilang naturang concert night, ngunit nagpasya na lang siyang gawin ito sa dinner date nila noong February 11.

Nakangiting kuwento niya, “On the 11th, we went out for dinner and I was like, ’I bet you didn’t know I could be like this.’

“She was like, 'Yeah I didn’t expect this from you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'It’s different when I’m in love,’ I said, then she said, ‘Are you in love?’

“And then I thought, ‘You know what, right now is the right time.’

“She said, ‘Are you in love?’ I said ‘Yes, of course.’

“She knew what I was talking about.”

Dagdag pang kuwento ni James, “Yung reaction niya the night after the concert wala siya masabi.

“Actually, what she really said was, ‘Kilig ako.’

“She literally sat there and smiling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN