Derrick Monasterio on being the next Alden Richards: "Mahirap seryosohin."

Derrick Monasterio on Alden Richards: "Ibang klase yung nangyari kay Alden, destiny talaga yun. Salamat na lang sa mga nagsasabing baka ako sumunod, pero mahirap seryosohin. Pero ako, ewan ko, di ko hawak ang future at ang situation."


Ipinagkikibit-balikat lamang ng Derrick Monasterio ang sinasabi ng iba na baka siya na ang sumunod sa yapak ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Sabi ng Kapuso young actor, “Ibang klase yung nangyari kay Alden, destiny talaga yun.

“Bukod pa sa magaling siya, mabait na tao.

“Salamat na lang sa mga nagsasabing baka ako sumunod, pero mahirap seryosohin.

“Baka they see something in me kaya nasabi nila yun.

“Pero ako, ewan ko, di ko hawak ang future at ang situation.

“Natutuwa lang ako sa magandang feedbacks nila, lalo na yung mga nakapanood ng Karelasyon.

“Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa career ko, ipag-pray na lang natin, i-push natin.”

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa photo shoot para sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Hanggang Makita Kang Muli.

TEAMWORK. Natutuwa si Derrick na ibinabalik ng GMA ang love team nila ni Bea Binene, sa pamamagitan ng Hanggang Makita Kang Muli.

Bagamat magkasama sila sa weekly sitcom na Vampire Ang Daddy Ko, ang huling teleserye nila bilang love team ay ang Luna Blanca noon pang 2012.

May balita kasi noong hindi na muna sila pagtatambalin para masubukan ang chemistry ng dalawa sa ibang Kapuso stars.

Sabi ni Derrick, “Oo nga, kahit paano naman kasi, may fan base kaming dalawa.

“Magiging masaya ang fans namin kasi ibang klaseng love team nga ang makikita nila dito.

“Level up na, kumbaga. Ibang-iba sa dati.

“Well, sana mag-ingay sila [fans] para mas maging matunog ang teleserye namin.”

Kumusta naman ang working relationship nila ni Bea?

Saad ng 20-year-old actor, “Ayun, hindi kami nag-uusap.

“Kumbaga, small talks lang pag break, pero pag nasa set, wala talaga.

“Seryoso talaga, pareho din kasi kaming… gusto naming may mai-prove naman sa tao na we can act.

“Kahit naman supporters namin, gusto nila ay yung talagang masabing pareho kaming actor, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto rin naming panindigan yun.

“Okey naman na kami ulit, kasi good naman ang working relationship namin ni Bea.

“Dumaan din naman kami pareho sa iba't ibang partners, pero ganun talaga.

“Ang importante, maganda yung proyekto namin ngayon.

“Mabuti na yung dahan-dahan lang.”

DIREK LAURICE. First time namang makatrabaho ni Derrick ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen; iba raw talaga ang dating nito sa kanya.

Pagmamalaki ni Derrick, “Nakaka-proud lang at masaya po.

“Siyempre, nung una, parang mabigat sa set kasi medyo strict si Direk.

“Pero alam ko na yung kaistriktuhan naman, it's the best for all of us, so okay lang.”

Iba nga raw kapag ang may hawak ng isang project ay batikang direktor tulad ni Direk Laurice.

Saad ni Derrick, “Bongga kasi veteran director 'yan, at saka artista.

“So, iba yung feeling na nandun ka sa presence niya, na parang nakakataas ng...

“Yung feeling na kailangang i-push mo talaga, hinahayaan lang niya kami.

“Pag may di siya magustuhan, sasabihin niya sa amin kung ano ang tama o dapat gawin.

“Kailangan talaga magseryoso, kasi dati, pa-tweetums lang kami [ni Bea].

“Kailangan talaga may ilabas din kami, siyempre ayaw din naming mapahiya ni Bea.

“So, seryoso talaga, lalo na sa dramatic scenes namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN