Richard Gutierrez shrugs off Derek Ramsay's claim that he is the first choice for Ang Panday role

Richard Gutierrez on doing a project with TV5: "More than anything, yung kakayahan na makagawa pa ng isang show na tatatak sa mga tao at makakapag-entertain sa mga tao. Marami akong nagawang shows in the past, at ngayong nasa TV5 ako, working with the great group of people… Alam ko na kaya rin naming mag-produce ng magandang show."


Iba raw ang pagkakakuwento kay Richard Gutierrez ng may likha ng Ang Panday na si Carlo J. Caparas kung sino ang unang in-offer upang gumanap sa title role sa pagbabalik ng Pinoy komiks classic sa telebisyon.

Sa isang panayam kasi ni Derek Ramsay ay isiniwalat niyang siya ang unang inalok na gumanap na bida sa Ang Panday na mapapanood sa TV5 simula sa February 29.

Lumalabas na second choice lamang si Richard para sa naturang role.

Read: Derek Ramsay reveals turning down Ang Panday lead role that went to Richard Gutierrez

Pero ayon kay Richard, “Well, iba ang pagkakakuwento sa akin ni Direk Carlo Caparas, narinig natin today na ako ang first choice.

“Pero nagpapasalamat ako kay Derek, sa mga interviews niya nababanggit niya ang Ang Panday, extra publicity sa amin yun.

“Alam naman natin na teritoryo ko ang fantaserye, di ba?

“Walang isyu sa akin.

“Alam ko ang totoo at alam ni Direk Carlo Caparas ang totoo.”

Halos lahat ng mga proyekto ni Richard noong nasa GMA Network pa siya ay mga fantaserye; kabilang na ang Mulawin, Sugo, Captain Barbell, Kamandag, at Codename: Asero.

Sa pagbabalik niyang muli sa pag-arte at sa telebisyon, may mga gusto pa bang patunayan si Richard?

Tugon niya, “More than anything, yung kakayahan na makagawa pa ng isang show na tatatak sa mga tao at makakapag-entertain sa mga tao.

“Marami akong nagawang shows in the past, at ngayong nasa TV5 ako, working with the great group of people…

“Alam ko na kaya rin naming mag-produce ng magandang show.”

Ano naman ang mga inaasahan niya?

“Right now, we’re just giving our best… ini-expect namin na we’re going to give a good show.

“Yun lang ang expectation namin, at saka mae-entertain namin ang mga tao.”

DO NOT WATCH. Isa sa leading ladies ni Richard sa Ang Panday ay si Jasmine Curtis-Smith, ang nakababatang kapatid ng dating girlfriend ng aktor na si Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi ni Richard, “Ikaw naman, binuhay mo pa, matagal na yun!

“Alam naman natin na si Jasmine ang isa sa mga household names ng TV5, and it’s a good project.

“Kaya feeling ko, sakto lang din si Jasmine na makasama ko sa project na ‘to dahil… prinsesa siya sa TV5.

“Magaling siyang artista so gusto ko siyang makatrabaho.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Richard na si Annabelle Rama, sinabi nitong pinayuhan niya sina Richard at Sarah na huwag panoorin ang projects ng isa’t isa.

Ang dahilan, para hindi ito pagmulan ng selos.

Pahayag ni Richard tungkol dito, “‘Yan ang advice ng mom ko sa amin, pero kami naman ni Sarah, we’re very professional.

“Alam naman namin ang mga dapat.”

Hindi ba niya pinapanood si Sarah tulad sa ASAP?

“Pinapanood ko naman!” natawa niyang sabi.

“Yung advice ni Mommy, it’s something that you have to consider.

“Pero pinapanood ko yung mga projects ni Sarah and, I think, she’ll gonna watch this one [Ang Panday] also.”

Okey lang ba sa kanya ang sexy production numbers ni Sarah sa ASAP?

“Oo, hayaan mo sila!” natawang sabi ni Richard.

“Happy ako na si Sarah ay masaya at thankful ako sa ASAP na binibigyan siya ng importansiya.

“Nakita rin naman natin ang husay ni Sarah sa pagsayaw .

“Kahit pa i-partner siya sa kung sino-sino sa ASAP, masaya ko na si Sarah, she works hard.”

Kung si Richard ay gaganap na Ang Panday, ang kanya namang girlfriend na si Sarah Lahbati ay nababanggit sa pinagpipiliang bagong Darna sa movie remake nito.

Sabi ng aktor tungkol dito, “Bagay na bagay kay Sarah ang Darna, sa tindig pa lang niya at sa kakayahan niya na mag-fight scene.

“Tindig pa lang ni Sarah, parang superhero na, so bagay sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN