Bianca Umali says she's too young to be courted

Bianca Umali (shown with love team partner Miguel Tanfelix) plans a quiet celebration when she turns 16 next month, "Hindi po kasi talaga ako yung ma-party na tao pag birthday. Gusto ko lang intimate, kasama ng family, friends, yun lang po."


“Secret,” ang natatawang sagot ni Bianca Umali sa tanong namin kung bakit wala siyang Valentine gift kay Miguel Tanfelix.

Secret rin ang sagot niya kung may nabili ba siyang regalo para kay Miguel pero hindi pa niya naibibigay.

Ang regalo raw ni Miguel kay Bianca ay isang book, ang Bazaar of Bad Dreams ni Stephen King.

“Ngayon ko pa lang po uumpisahan,” ngiti niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa set ng Wish I May sa Quezon Memorial Circle, kamakailan.

TOO YOUNG. Malungkot daw si Miguel dahil hindi sila magkasama ni Bianca nitong nakaraang Araw ng mga Puso dahil may mall show ang binata sa Pangasinan.

Siya ba naman ay nalungkot din?

“Oo naman po,” bulalas ni Bianca at ibinalitang lumabas sila ng pamilya niya noong February 14.

Sa ganda niya, kagulat-gulat na wala pa raw nanliligaw kay Bianca.

Bata pa raw kasi siya. Turning 16 pa lang siya sa March 2.

Paano kung mainip si Miguel sa paghihintay sa tamang panahon at maisipang manligaw sa iba?

“Ay, okay, hindi ko po alam.

“Hindi ko pa rin naman po kasi iniisip yun… I don’t know,” at natawa si Bianca.

Ang dating nali-link sa kanya na si Julian Trono ay balitang girlfriend na ang co-star nito sa Buena Familia na si Kylie Padilla.

Pakli ni Bianca, “Wala po akong comment.”

Close pa rin ba sila ni Julian?

“Matagal po kaming magkasama sa Tropang Potchi, three years po kaming magkasama.”

Ang Tropang Potchi ay isang children's show sa GMA News TV na inilipat sa GMA.

Wala na raw silang komunikasyon ni Julian, bakit naputol ang friendship nila?

“Hindi ko po alam… Matagal na rin po kasi yung last naming kita.

"Last po nung Niño pa po,” pagtukoy ni Bianca sa pinagbidahan nila ni Miguel na drama series sa GMA two years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FUN BUSINESS. Balak rin ni Bianca na pasukin ang cupcake business, “For fun lang po muna.”

Marami na raw siyang naibigay na pastries kay Miguel tulad ng Revel bars.

“Para po siyang brownies pero hindi siya chocolate, may nuts.

"Simpleng pastries pa lang po, hindi pa po yung bongga.”

Samantala, wala pa raw siyang plano kung paano ise-celebrate ang kanyang kaarawan.

“Hindi po kasi talaga ako yung ma-party na tao pag birthday.

“Gusto ko lang intimate, kasama ng family, friends, yun lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN