Kathryn Bernardo gives Daniel Padilla a kiss during a basketball game

The video of Kathryn Bernardo kissing Daniel Padilla on the cheek, taken during a basketball game, becomes viral in social media.


“Action speaks louder than words.”

Ito ang sinasabi ng KathNiel fans tungkol sa pagiging mas malapit ngayon ng Kapamilya love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Patunay umano nito ay ang ilang video na kumalat sa social media kamakailan, kung saan makikitang hinalikan ni Kathryn sa pisngi si Daniel matapos ang basketball game na sinalihan ng young actor.

Makikita rin sa iba pang videos ang tila hango sa eksena sa dating pelikula nilang She's Dating the Gangster, kung saan naging cheerleader si Kathryn sa basketball game ni Daniel.

padilla for 3!!!! pasok sa puso ni bernardo benggaaa ?????? #danielpadilla #kathniel #kathrynbernardo #kathnielprfctvids

A video posted by King and Queen of Hearts (@kathniel.perfect) on

GASHNESS UNG HUG NA YON ????????????????????? #danielpadilla #kathniel #kathrynbernardo #kathnielprfctvids

A video posted by King and Queen of Hearts (@kathniel.perfect) on

Hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin sina Kathryn at Daniel tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit sa panayam sa kanilang dalawa ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Daniel na, “Sa tagal na naming magkasama, ang maganda po, e, mas naggo-grow kami.”

Gayunman, hindi direktang sinagot ng Kapamilya love team ang tanong ni Boy na “What's keeping you from saying 'yes, we are a couple'?”

proud na proud ung girlfriend ay nako ?????? #danielpadilla #kathniel #kathrynbernardo #kathnielprfctvids

A video posted by King and Queen of Hearts (@kathniel.perfect) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN