Derrick Monasterio denies courting Maine Mendoza

Itinaggi ni Derrick Monasterio na nililigawan niya si Maine Mendoza. Tatlong beses pa lang daw silang nagkita nang personal at mabilisan lamang ang mga ito.


Inuulan ngayon ng pambabatikos ang Kapuso young actor na si Derrick Monasterio.

Ito ay matapos lumabas ang balitang na nag-date daw sila ni Maine Mendoza sa Subic noong nakaraang Valentine’s Day, February 14.

Pero mariin itong itinanggi ng 20-year-old actor.

Paglilinaw ni Derrick, “Wala yun. Nagkataon lang po na nandun ako kasama ang mga kaibigan.

“Ayun, lakad-lakad sa shore, hanggang sa makita ko yung staff ng [Eat] Bulaga,

“Siyempre bati ako, tapos sabi nila, ‘O, andiyan si Maine.’ Sabi ko, ‘O, talaga?’

“Siyempre, kakilala ko naman since nakilala ko naman siya sa Vampire [Ang Daddy Ko], so bumeso ako sa kanya.

“Siguro yung pagkikita namin, mga 20 seconds lang, tapos naghiwalay… nag-separate ways.”

Hindi naman nila napag-usapang mag-date noong araw na yun?

Umiling-iling na sabi ni Derrick, “Gulat nga po ako kung saan nanggaling yun [rumored date].”

Type ba niyang pormahan si Maine?

Patanong pa niyang sagot, “Sa'n ba nanggaling mga yun? Hindi, hindi.

“Tsaka respect na rin po yun sa love team nila [Alden Richards].

“AlDub fan din naman ako, hindi naman po maitatanggi yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa grand presscon ng pagbibidahan nitong teleserye sa GMA, ang Hanggang Makita Kang Muli.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Lunes ng gabi, February 22.

BASHED BY ALDUB FANS. Dahil sa mga kumalat na balita, kinuyog daw siya ng AlDub fans sa social media.

Saad ni Derrick, “Opo, na-bash po ako. May nakakita kasi na magkasama kami.

“Well, in fact, nagkita lang naman kami coincidentally, ewan ko kung san galing yung mga ganung isyu [ligawan], kung bakit nagkaroon ng mga ganun.”

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabatao sa kanya. Kabilang na rito ang salitang “epal” at “manggagamit.”

Nasaktan ba siya rito?

Tugon ni Derrick, “Hindi po, kasi sa akin, wala lang naman po sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, ewan ko, wala lang sa akin, hindi ko naman pinapalaki ang issue.

“Parang ganun lang, nagising lang ako, tapos nababasa ko na punung-puno na ng comments sa IG [Instagram] ko.”

Pinagbawalan ba siya ng GMA management na i-pursue si Maine?

Natatawa nitong sagot, “Ha? Wala pong ganun. Wala pong ganun!

“Kasi, in the first place, wala naman talaga. So, wala namang pagbabawalan kung wala talaga.”

Hindi ba siya sinabihang lumayo na lang kay Maine?

Ani Derrick, “Ay, hindi po, wala pong ganun. Hindi naman po ako lumalapit kasi wala kaming communication.”

Wala bang dapat ipag-alala ang kaibigan niyang si Alden?

Diin niya, “Wala.”

Anong mensahe niya sa AlDub fans?

“I respect you, guys, so sana i-respect niyo rin ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN