Kiray Celis is now a certified box-office star

Nakalutang pa rin sa alapaap sa tuwa ang isa sa mga bida ng Love is Blind na si Kiray Celis dahil tumabo sa box office ang kanilang pelikula. Sabi pa ni Kiray, "Feeling ko, merong time talaga para sa lahat."

 


Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Kiray Celis na nagbida siya sa isang blockbuster film.

Tumabo sa takilya ang Love is Blind, ang pinagbibidahan niyang romantic-comedy film kasama sina Derek Ramsay, Kian Cipriano, at Solenn Heussaff.

Pero sabi ni Kiray, isa sa dahilan kung bakit naging successful ang pelikula nila ay dahil sa istorya nito.

Pahayag ng 20-year-old Kapamilya comedienne, “Feeling ko talaga, nag-jive kaming lahat.

“Magaling si Sos [Solenn], ibinigay lahat ni Kian, napakagaling ni Kuya Derek.

“Maganda ang kuwento, matalino si Direk Jason [Laxamana], binigyan kami ng trust ng Regal, binigyan ako ng chance.

“So, lahat talaga nag-jive siya lahat.

“Feeling ko, merong time talaga para sa lahat.”

Hindi raw talaga inasahan ni Kiray na mararating niya ang ganito sa kanyang karera.

“Naku, hindi, hindi talaga!” bulalas niya.

Kuwento pa ni Kiray, “Noong nagpo-promote pa lang ako ng pelikula, sabi lang ‘Good luck, good luck.’

“Ngayon, kapag may nakasalubong na ako sa ABS-CBN, 'Congrats, congrats!’

“Never 'yan pumasok sa isip ko na i-congratulate ako ng mga tao.

"Siguro, puwede sa mga close friends ko.

“Kasi proud na proud sila sa akin kasi nakarating ako sa ganitong situation.

“Pero congrats na sa ibang tao nanggaling, wow talaga!

“Ayoko siyang isipin sa ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa thanksgiving presscon nito, para sa box-office success ng Love Is Blind, noong February 18.

KIRAY, THE STAR. Dahil may napatunayan na si Kiray sa box-office, may ilang nagsasabing siya na raw ang susunod sa yapak ni Pokwang sa ABS-CBN.

Ayon sa young comedienne, “Hindi po. Iba po si Pokwang, iba po ako.

“I mean, kung ano yung mga dinaanan ni Miss Pokwang, iba rin naman siguro po yung mga pagdadaanan ko.

“Tsaka marami siyang kayang gawin na hindi ko kaya. Napakalayo ko pa, sobrang layo.”

Masaya rin si Pokwang dahil may follow-up movie na kaagad siya sa Regal Entertainment, ang I Love You To Death, kasama si Jerome Ponce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN