Bea Binene unaffected by news about Jake Vargas's new girlfriend

Kapuso teen star Bea Binene says she's not jealous of Jake Vagas's new girlfriend. "Wala po, hindi, kasi tanggap na, e. Kumbaga, okey na, different roads na, wala na."


Hindi raw apektado si Bea Binene sa balitang may bago nang girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas.

Last week ay naging viral sa social media ang Instagram post ni Jake kung saan kasama niya ang isang non-showbiz girl sa loob ng isang sasakyan.

Caption ng Kapuso young actor dito: “You are the reason I smiled again.”

You are the reason I smiled Again??????

A photo posted by Jhake Angelo Vargas (@imjhakevargas) on

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang pangalan ng kasamang babae ni Jake sa naturang larawan ay Cello Mendoza.

Si Cello ang pinaniniwalaang girlfriend ngayon ni Jake.

Read: Jake Vargas has a new girl who is making him smile again

Sa presscon ng bagong afternoon soap ni Bea sa GMA Network, ang Hanggang Makita Kang Muli, noong Lunes, February 22, kinuha ng PEP ang kanyang reaksiyon sa pagkakaroon ng bagong kasintahan ni Jake.

Pahayag ng Kapuso teen actress, “It’s been a year.

“Kumbaga, meron na kaming separate past. Meron na kaming different roads na tinatahak ngayon.

“So, let’s just be happy for him and I’m happy for him kung masaya siya.

“Siguro ano na lang, hindi naman kailangang pag-usapan.

“Yun nga, different roads na ang tinatahak namin ngayon.”

Hindi ba siya nagseselos?

Sagot ni Bea, “Wala po, hindi, kasi tanggap na, e.

“Kumbaga, okey na, different roads na, wala na.”

Noong debut pa raw niya ang huling pagkikita nila ni Jake, at nagpasalamat naman si Bea na nagpunta ang ex-boyfriend.

Sabi pa ng 18-year-old actress, “Pero hindi rin naman po kasi kami nagkikita palagi. Magkaiba ng show.

“Wala nang SAS [Sunday All Stars], so hindi na kami nagkikita.”

Masaya ba siya para kay Jake?

“Yes, I’m happy for him,” sagot ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN