Kim Rodriguez on Kiko Estrada's alleged video scandal: "Sabi naman niya, hindi totoo."

Kapuso young actress Kim Rodriguez on rumored boyfriend Kiko Estrada's alleged video scandal: "Tinanong ko siya kung totoo o hindi. Sabi naman niya, hindi totoo. Sabi ko, 'A, okay, hindi naman pala ikaw.' Wala namang problema."


“Ay, hindi po, dyusko!”

Ito ang bulalas ng Kapuso young actress na si Kim Rodriguez nang tanungin kung napanood niya ang napabalitang photo at video scandal ng rumored boyfriend niyang si Kiko Estrada.

Ano ang reaksiyon ni Kim nang mabalitaan niyang may kumakalat na video scandal diumano si Kiko?

“Tinawagan ko… kasi sa Twitter, nakita ko, may ano daw.

“Hindi ko alam kung ibu-view ko ba o hindi, e.

“Siyempre hindi ko na viniew.

“Tapos tinanong ko siya kung totoo o hindi.

“Sabi naman niya, hindi totoo. Sabi ko, ‘A, okay, hindi naman pala ikaw.’

“Wala namang problema.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa presscon ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Hanggang Makita Kang Muli, noong February 22, Lunes.

Sa naunang panayam namin kay Kiko, itinanggi rin nitong siya ang lalaki sa kumalat na photo and video scandal.

Pero lately ay may mga naglalabasang tila nagpapatunay na si Kiko nga iyon.

Reaksiyon ni Kim, “Talaga? Ako kasi, may tiwala ako kay Kiko.

“Tsaka sa sobrang close namin, imposibleng magsinungaling siya sa akin, e.”

Paano kung sa huli ay mapatunayang si Kiko ang nasa naturang video scandal.

Pahayag ng Kapuso young actress, “Kung totoo man na siya yun, siguro ingat na lang sa susunod.

“Kasi, parang hindi mo naman kailangang gumawa pa ng video kung may gagawin kang… di ba?”

THE REAL SCORE. Natawa naman si Kim nang tanungin kung makikipag-split siya kay Kiko kapag napatunayang siya ang nasa video.

“Be-break? Agad? Hindi pa nga sinasagot, break agad!”

Magagalit ba siya kay Kiko?

“Hindi ako magagalit sa kanya kasi wala namang perfect na tao, e.

“Lahat ng tao nagkakamali. Wala naman akong karapatan para magalit.

“Tsaka kung totoo mang siya yun, hindi ko kailangang magalit, bakit ko kailangang magalit?

“Kundi, parang nandito ako para tulungan siya, suportahan siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi mababawasan ang pagtingin niya kay Kiko?

“Ay, hindi po, hindi,” sabi ni Kim.

Hindi na raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa video scandal diumano ni Kiko.

Ayon kay Kim, “Nung tinawagan ko siya, dun lang namin napag-usapan.

“Pero sa mga nakikita ko sa Facebook, ‘Uy, may ganito daw si ano,’ hindi ko na lang pinapansin.

“Kasi kung hindi naman talaga siya Yun, di ba? Okay, deadma!”

VALENTINE’S DAY. Hindi rin mamatay-matay ang isyung may relasyon na sina Kim at Kiko ngunit wala silang inaamin.

May dapat nga ba silang aminin?

“Wala po!” natatawang sagot ni Kim.

Noong Valentine’s Day ay nag-dinner daw sila ni Kiko.

Isang jacket, tatlong rosas na kulay asul, at isang heart-shaped cake ang iniregalo ni Kiko kay Kim.

Si Kim naman ay wala raw regalo kay Kiko.

“Ganun ba yun, parang exchange gift? Puwede bang pagmamahal na lang... ng isang kaibigan?” natatawang sabi ng dalaga.

Na kay Kim pa rin daw ang shih tzu, na pinangalanan niyang Chewy, na regalo sa kanya ni Kiko almost two years ago.

Tinutulungan ba niya sa kampanya ang ama ni Kiko na si Gary Estrada, na tumatakbong board member sa lalawigan ng Quezon?

Sabi ni Kim, “Ay, hindi po, hindi po. Ayaw ni Tito na parang …”

Ayaw ni Gary?

“Opo. Parang, oo, susuportahan, pero yung parang gagamitin kami para sa ano, ayaw po niya.”

Pero willing daw si Kim na tumulong kay Gary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN