Manny Pacquiao's chief of staff files complaint vs Facebook user

"We can forgive, but we should give justice to all those people who maliciously make up stories to ruin our People's Champ Manny Pacquiao's name and my name," says Jake Joson about his decision to file complaint against a Facebook user, who insinuated that Manny has a mistress in an executive village in QC.


Naghain ng reklamo ang chief of staff ni Manny Pacquiao na si Jake Joson laban sa isang Facebook user na nag-post ng larawan ng campaign car ng Pambansang Kamao na naka-park sa harap ng isang mansion sa isang exclusive village sa Quezon City.

Sa caption ng Facebook post ng isang Lorraine Marie Badoy, ipinahiwatig niyang ang may-ari ng bahay kung saan naka-park ang campaign car ni Manny ay isang babaeng naugnay noon sa boxer-politician.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng business manager ni Manny na si Arnold Vegafria.

Sinabi ni Vegafria na ang bahay na iyon sa Loyola Grand Villas ay hindi pag-aari ng dating aktres na si Krista Ranillo, kundi sa chief of staff ni Manny na si Jake Joson.

Pati na ang kotseng nasa harap ng bahay ay pag-aari rin daw ni Jake.

Read: (UPDATED) Manny Pacquiao's business manager: 'That is not the house of Krista Ranillo!'

Ngayong araw, February 24, nag-post si Jake sa Instagram ng larawan niya katabi ang sasakyan na may campaign sticker ni Manny, na tumatakbong senador ngayong 2016 elections.

Caption niya dito: “No filter! No lies! Just a simple truth.”

Sinabi rin ni Jake ang dahilan ng kanyang paghahain ng reklamo.

“We can forgive, but we should give justice to all those people who maliciously make up stories to ruin our People's Champ Manny Pacquiao's name and my name.”

Nang balikan ng PEP ang Facebook post ni Lorraine tungkol sa campaign car ni Manny ay wala na ito sa kanyang timeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN