Ruffa Gutierrez denies marrying Jordan Mouyal in Paris

Masaya si Ruffa Gutierrez sa bagong proyekto ng kapatid na si Richard Gutierrez na Ang Panday. Sabi ng TV host-actress, "Naiyak naman ako, tuwang-tuwa naman ako sa pagbabalik ni Chard. Haping-happy ako dahil napakagandang proyekto ng Ang Panday."


Kagagaling lang ni Ruffa Gutierrez at ng boyfriend niyang si Jordan Mouyal mula sa ilang araw na bakasyon sa Paris, France, kasama ang ilang kaibigan.

Paris, here we come ! ����� #EtihadExperience

A photo posted by Jordan Mouyal (@jordanmouyal) on

Sa Paris na rin nag-celebrate ng kanilang Valentine’s Day sina Ruffa at Jordan.

Makikita rin sa kanilang Instagram posts ang ilan sa sweet moments nila together.

Biking around Paris with my Valentine... ����

A photo posted by Jordan Mouyal (@jordanmouyal) on

Lovers in Paris ð��«ð��«ð��·ð��¼♥ï¸� @jordanmouyal #happylifeparis

A photo posted by Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) on

Biking around Paris with my handsome Valentine... @jordanmouyal ���� #HappyLifeParis

A photo posted by Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) on

Dahil dito, may ilang nag-isip na baka nagpakasal na sila doon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa pilot screening ng Ang Panday, nitong Martes ng gabi, February 23, sa SM Aura. Tinanong namin siya tungkol sa usap-usapang nagpakasal na raw sila ni Jordan sa Paris.

Natatawang sagot niya, “Grabe, no! No, no, no.”

Hindi na nagpaunlak pa ng ibang katanungan si Ruffa tungkol sa nobyo.

Sa araw na ito, February 24, eksaktong apat na taon nang annulled ang kasal ni Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

HAPPY FOR RICHARD. Sa kabilang banda, very proud naman si Ruffa sa bagong proyekto ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez dahil maganda raw ang kinalabasan ng pilot episode ng pinagbibidahan nitong Ang Panday.

Saad ng TV host-actress, “Naiyak naman ako, tuwang-tuwa naman ako sa pagbabalik ni Chard.

“Haping-happy ako dahil napakagandang proyekto ng Ang Panday.

“And, you know… it’s sentimental for me, siyempre ang nagbigay sa akin ng break ay si Direk Carlo J. Caparas and Donna Villa.

“So, with this, alam kong Chard is in good hands because napakaganda ng proyekto.

“And na-touch ako, especially nakatrabaho niya [Richard] si Mac Alejandre since 18 years old.

"So, they’ve been through a lot of projects together.

“Naniniwala ako that this is the right project for Chard and sana suportahan niyo pong lahat.”

Abala rin ngayon si Ruffa sa TV5 primetime series na Bakit Manipis Ang Ulap.

Pero aniya, “Mas natuwa ako, si Chard nagbalik sa TV5, na-miss ko talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And now, nawala talaga lahat ng baby fat niya.

“Nakita mo naman na he’s in top form talaga. Mukha siyang 22.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN