James Yap's Italian girlfriend is pregnant

PBA cager James Yap's Italian girlfriend Michela Cazzola is confirmed pregnant and is expected to give birth on the third quarter of this year.


Maglilimang buwang buntis na ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola.

“Yes, I am. Four months, going on my fifth month,” pagkumpirma ni Michela sa beteranong entertainment columnist na si Ricky, na lumabas sa column nito sa Philippine Star, Huwebes, February 25.

Inaasahang manganganak ang girlfriend ng basketbolista sa third quarter ng taon.

Sa Pilipinas din daw planong manganak ng partner ni James.

Samantala, magandang balita ito para kay James na nagdiwang ng kanyang ika-35 taong birthday nito lamang February 15.

Happy Birthday ?? #love

A photo posted by Mic (@michelacazzola) on

Nagkakilala sina James at Michela, 32, noong 2012 at naging magkarelasyon sa pareho ring taon.

Isang secretariat specialist si Michela sa Asian Development Bank (ADB) sa loob ng walong taon.

May anak si James sa dati nitong asawa na si Kris Aquino, si Baby James Aquino-Yap o Bimby, na walong taong gulang.

Inamin din ng cager noong 2014 na may anak siya sa isa pang ex-girlfriend, bago pa si Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN