Aicelle Santos on Jonalyn Viray's network transfer: "Noon pa naman gustong lumipat ni Jonalyn."

Aicelle Santos says she and Maricris Garcia are happy for their former La-Diva co-member Jonalyn Viray: "Kunsaan naman siya masaya, masaya kami for her. May pinagsamahan naman kaming tatlo because of La Diva."


Hiningan ng komento ang Kapuso singer na si Aicelle Santos tungkol sa paglipat ng dating kasamahan nila ni Maricris Garcia sa grupong La Diva na si Jonalyn Viray sa rival network ng GMA-7 na ABS-CBN 2.

Confirmed na ngang nasa Kapamilya network na si Jonalyn at “Jona” na ang bagong pangalan nito.

“Noon pa naman gustong lumipat ni Jonalyn.

“Buo pa ang La Diva noon. Alam na namin ni Maricris na may plano talaga siyang lumipat sa kabila.

“Kunsaan naman siya masaya, masaya kami for her.

“May pinagsamahan naman kaming tatlo because of La Diva.

“Kung nagkaroon man ng mga problema noon, tapos na ‘yon. Nag-move on kaming lahat,” pahayag ni Aicelle nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang February 16 sa Runners Kitchen sa may Tomas Morato, Quezon City.

MARICRIS'S "YAYA." Samantala, excited naman si Aicelle sa kanyang pagiging maid of honor sa kasal ng kanyang kaibigan  at kapwa Kapuso singer na si Maricris.

Ayon kay Aicelle, first time niyang maging maid of honor sa isang kasal, kaya panay ang tanong niya kung ano ba ang gagawin niya?

“First time kasi akong kunin bilang maid of honor. Kaya hindi ko po alam ang gagawin ko.

“Sabi ng ibang friends ko, para lang daw akong yaya ng bride.

“Natawa nga ako kasi pagsusuutin pa ako ng gown. E, gagawin lang pala akong yaya!” sabay tawa niya.

Pinili ni Maricris si Aicelle na maging maid of honor dahil siya ang itinuturing nitong best friend.

Kaya ang mga responsibilies bilang best friend ng bride ay kay Aicelle nakatoka.

“Siyempre, okey lang sa akin na gawin akong  yaya ni Maricris.

“That’s her special day. At bilang best friend po niya, gusto ko rin na maging maayos ang lahat sa araw na iyon.

“I am flattered na ako ang napili niyang maid of honor. It makes me proud of our friendship. Na hanggang sa pagpapakasal niya ay isinama pa niya ako sa entourage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Promise naman ni Maricris na kapag ako ang ikinasal na, siya naman ang magiging yaya ko!” tawa pa ulit ni Aicelle.

CAREER OVER LOVE. Loveless daw si Aicelle kaya mukhang matagal pa siyang makakaplano ng kanyang kasal.

Mas concentrated daw kasi siya sa kanyang career, lalo na’t lagi siyang inaabangan sa Eat Bulaga dahil sa nakakatuwang segment niya na “Traffic Diva.”

“Wala tayong boylet kasi career muna ang inuuna natin.

“Yun nga ang pinproblema ng mga kaibigan ko sa akin—bakit wala raw akong boyfriend?

“Gano’n naman po talaga yata kapag iba ang priorities mo.

“Tulad po ngayon, enjoy ako sa pagiging Traffic Diva. Marami tayong napapasaya at natutulungan. Biruin mo ‘yon, kumanta ka lang may pera ka pa.

“Aside from that, may tinatapos din po tayong album under Homeworkz label ni Jay-R. It’s an album na matagal ko nang gustong gawin kaya abangan nila ‘yan.

“Kaya sa awa ng Diyos, busy po tayo. Trabaho lang tayo para happy,” ngiti pa niya.

Nasabi nga noon ni Maricris na may mga nirereto sila kay Aicelle para may maka-date ito at hindi puro trabaho ang isipin niya.

“Actually napagod na si Maricris at ang ibang friends namin sa kakareto sa akin sa mga kakilala niya.

“Thankful ako na iniisip nila ang personal na buhay ko. Mas worried pa sila sa lovelife ko, ‘di ba?

“Siguro kapag okey na ang lahat, magiging open na ako sa pakikipag-date ulit.

“Hindi ko naman totally sinasarado ang sarili ko sa ganyan. Once in a while, gusto ko rin naman na kinikilig ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN