Marco Alcaraz on showbiz people getting involved in video scandals: "Siguro huwag nang gumawa."

"Siguro kung sinuman yung may mga sex video, kung ano yung mga intimate natin na gagawin, huwag na tayong mag-video, ganun," says Marco Alcaraz.


Kapag wala raw taping o shooting si Marco Alcaraz ay ang pagba-basketball sa mga probinsiya ang pinagkakaabalahan niya kasama ang mga kaibigan niyang artista, isa na rito ay si Joross Gamboa.

At dahil malapit niyang kaibigan si Joross, tinanong namin si Marco tungkol sa kumalat na video scandal ni Joross.

“Hindi naman niya inaamin, e. Meron ba? Meron nga ba? Hindi ko napanood, e.

“Siguro kung sinuman yung may mga sex video, kung ano yung mga intimate natin na gagawin, huwag na tayong mag-video, ganun.”

Tinanong ba niya si Joross tungkol sa isyu?

“Siya ba yun?

“Nung nagkita nga kami deadma na lang para at least wala lang, kasi parang respeto na lang rin.”

Hindi raw nila iyon pinag-usapan.

Si Marco ba ay walang sex video?

“Kaya nga kinakabahan ako, e. Hindi, joke lang,” at tumawa si Marco.

“’Di ba halos araw-araw nga may mga naglalabasan na ganun, ‘di ba? Pero sa pagkakaalam ko naman, wala naman akong ginawang sex video.

“Sana walang lumabas.”

So hindi siya one hundred percent sure na wala siyang sex video?

“Sure ako na wala, sa pagkakaalam ko.”

Nude selfie, ugali ba niyang kumuha nito, lalo na at kakatapos lang niyang mag-gym at mag-shower, na tulad ng ginagawa ng ibang lalaki para makita ang improvement ng katawan nila?

“Hanggang topless lang ako.”

May mensahe ba siya sa mga nagkakalat ng sex videos sa social media?

“Hindi... siguro for me, hindi message sa nagkakalat, siguro huwag nang gumawa. Like for example kahit na para sa sarili mo lang, ‘di ba kahit sa Hollywood yung mga pictures nila sa phone naha-hack?

“Huwag na lang gumawa ng mga pictures na ayaw mong makita ng public, kahit for private na ano lang, papanoorin mo for yourself lang, huwag ka nang gumawa.

“Kung gusto mong makita, erase mo kaagad.”

ACTORS RUNNING FOR PUBLIC OFFICE. Ano naman ang opinion niya sa mga artistang tumatakbo sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, a lot of people naman kasi marami talagang... marami namang artista talaga na qualified tumakbo.

“Kasi nga, minsan maraming nanlalait, na ano yun, tumatakbo porke’t sikat, porke’t artista tumatakbo sila. Pero in all honesty there are a lot of, like, officials na artista na naging pulitiko na who’s doing good.

“Kaya lang ang iba lang talaga minamaliit ang artista, so siguro sa artista kailangan nilang mag-double time para i-prove talaga sa mga tao na deserving and worth it sila na iboto ng mga tao.”

HANGGANG MAKITA KANG MULI. Kasama si Marco ngayon sa Hanggang Makita Kang Muli ng GMA-7.

“Babaero, kaibigan ako ni Raymart [Santiago] na hindi ako naniniwala sa kasal-kasal, mga opposite sa totoong buhay ko, ganun," sabi ni Marco tungkol sa role niya.

Hindi raw siya kontrabida sa naturang GMA drama series na pinagbibidahan ni Bea Binene (bilang Ana Medrano) at Derrick Monasterio bilang male lead na si Calvin Manahan.

“Nasa side ako ni Raymart, ganun, kasi maghihiwalay sila ni Angelika.”

Kasama rin Marco at Raymart (bilang Larry Medrano) sina Angelika dela Cruz (Evelyn Medrano), Ina Feleo (Odessa), Rita Avila (Glenda Manahan), Ramon Christopher (Mateo Manahan), Shyr Valdez (Helen), Luz Valdez (Conching), Jak Roberto (Elmo), at Kim Rodriguez (Felicity).

Airing on March 7, ang Hanggang Makita Kang Muli ay sa direksyon ni Laurice Guillen.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa presscon ng nabanggit na series nung Lunes, February 22, sa GMA Network Center.

Although may mga guestings naman siya sa mga Kapuso shows, ang huli raw ni Marco na regular show sa GMA ay ang Pari Koy.

“Happy ako na may regular show na ako ulit sa GMA,” sinabi ng hunky male star.

Mabigat ang tema ng Hanggang Makita Kang Muli—tungkoL sa isang batang kinidnap (Ana) at maraming taong nawalay sa mga magulang (Larry at Evelyn).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kung single ako, kung wala akong anak, parang hindi ako masyadong makaka-relate pero ngayon na may anak na ako, na ang hirap maisip na mawalay yung anak mo sa iyo.

“Hindi ko maisip na mawala yung anak ko sa akin, ang hirap! As a father, mahirap yun.”

Paano katrabaho ang direktor nilang si Laurice?

“Nakaka-pressure in a way na matsa-challenge ka na kailangan alam mo talaga yung character mo, pag-aralan mo talaga yung script.

“Tapos yun nga, pagdating mo sa set alam mo na dapat yung mga sequences mo, na in character ka, ganun.

“Yun lang naman, more or less as an actor gusto ka niyang pigain para mas the best ang mapanood sa iyo sa TV.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN