Kris Bernal's haters are now her followers thanks to Little Nanay role

For Kris Bernal, playing a woman with learning disability was hard but worth it. She received positive feedback from viewers and gained a lot of followers because of her role.


Marami ang pumupuri sa husay na ipinapakita ni Kris Bernal sa Little Nanay bilang si Tinay Batongbuhay na may learning disability.

“Salamat! Ang sarap ng feeling kasi mahirap talaga siya, e.

“Mahirap talaga yung character, iba’t iba yung emotions, at the same time isip-bata, so napakababaw.

“Ang bata mabilis umiyak, ang bata mabilis patawanin. So yung switch ng emotions talagang dun ako nag-i-struggle.

“Pinag-aralan ko talaga.”

Mahirap din nga na ang papel niya ay isip-bata na may anak.

“Oo! Na trying to be a good mother.

“Pero happy ako kasi ang dami ko ngang nakukuhang positive feedbacks sa social media accounts ko and natutuwa ako dahil may mga haters ako turned into followers, alam mo yun?

“May mga ganun na.

“And may mga talagang naging followers ako nung nagsimula ang Little Nanay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa set ng Little Nanay nung Lunes, February 22, sa Fairmount Hills Subdivision sa Antipolo.

PRAISE FROM SUPERSTAR. Sa panayam naman ng PEP kay Nora Aunor noong gabi ring iyon ay sinabi ng Superstar na magaling na artista si Kris.

“Naku, nakakahiya naman kay Superstar!”

Tampok din sa Little Nanay ng GMA ang Superstar bilang si Lolay Annie Batongbuhay.

“Siyempre ‘pag kaharap ko si Superstar kailangan ko talagang galingan,” ang tumatawang sinabi ni Kris. “Nahihiya ako.

“Nakakahiyang magkamali, nakakahiya na hindi tapatan yung emosyon niya kasi take one lang siya lagi.

“So thank you, kasi para manggaling sa isang talagang pinakamagaling na aktres natin dito, napakalaking bagay nun sa akin.”

Nasa Little Nanay rin sina Bembol Rocco bilang Loloy Berting Batongbuhay, Mark Herras bilang Peter Parker Batongbuhay, Juancho Trivino bilang Bruce Wayne Batongbuhay, Chlaui Malayao bilang Chiechie San Pedro, Paolo Contis bilang Stanley Cubrador, Sunshine Dizon bilang Helga Vallejo, Gladys Reyes bilang Vivian San Pedro, Keempee de Leon bilang Edgar San Pedro, Winwyn Marquez bilang si Beatrice, Hiro Peralta bilang si Archie San Pedro, Renz Fernandez bilang Atty. Gerald Cruz, at si Mr. Eddie Garcia bilang si Don Miguel Vallejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Little Nanay ay sa direksyon ni Ricky Davao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN