Vic Sotto's youngest daughter Paulina is now engaged

Another Sotto wedding is on the way as Paulina Sotto, Vic Sotto's youngest daughter, is now engaged to her longtime boyfriend Jed Salgado Llanes.


Pagkatapos ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna noong January 30, 2016, isa na namang miyembro ng pamilya Sotto ang ikakasal.

Ito ay ang bunsong anak ni Vic na si Paulina Sotto, na engaged na sa kanyang longtime boyfriend na si Jed Salgado Llanes.

Naganap ang engagement nina Paulina at Jed ngayong Huwebes ng gabi, February 25, sa harap ng kanilang pamilya.

Si Paulina ay anak ni Vic sa dating model-actress na si Angela Luz.

Sa Instagram post ni Paulina (paulinavls), kung saan ipinakita niya ang kanyang engagement ring, ay ipinahayag ng anak ni Vic ang kanyang nararamdaman ngayong engaged na siya:

"Before I met @jedllanes10, I really thought this wasn't going to happen for me. I love you babe and I can't wait to marry you." Nilagyan niya pa ito ng hashtag na #YES.

Nag-post din ng ilang larawan sa Instagram ang panganay na kapatid ni Paulina na si Danica Sotto-Pingris, anak ni Vic sa una nitong asawa na si Dina Bonnevie, mula sa intimate engagement party.
Una na rito ang kuha nina Paulina at Jed, habang ipinapakita ng una ang kanyang engagement ring.

Congratulations to our bunso! @paulinavls and @jedllanes10 remember ha I'm ???!!! Haha! ???

A photo posted by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris) on

Sa isa namang larawan ay kasama ng newly-engaged couple si Vic at ang bagong misis nitong si Pauleen Luna at ang lahat ng mga kapatid ni Paulina kasama ang kani-kanilang mga asawa; sina Danica at Marc Pingris, sina Oyo at Kristine Hermosa, at si Vico Sotto (anak ni Vic kay Coney Reyes).
Kasama rin sa larawang ito ang dalawa pa na mula naman sa partido ni Jed.
Ang larawang ito ay naka-post din sa Instagram account ni Pauleen.

Famille ?? ??????

A photo posted by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris) on

Wala pang announcement kung kailan at saan gaganapin ang kasal nina Paulina at Jed.

Nag-graduate si Paulina ng kursong Bachelor of Arts, major in Communication, sa Ateneo de Manila University noong 2015.

Samantalang si Jed naman ay graduate ng Harvard sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN