Kris Aquino chooses to "keep quiet" about pregnancy of James Yap's Italian girlfriend

Kris Aquino finally breaks her silence after news report about the pregnancy of James Yap's Italian girlfriend, Michela Cazzola, came out. But the TV host-actress says it's better for her to be quiet as long as her son Bimby is okay.


“The proper thing for me to do is just keep quiet. Bimb's okay and that's what matters to me.”

Ito ang sagot ni Kris Aquino sa mga nagtatanong sa kanya sa social media tungkol sa paglabas sa media ng balitang buntis na ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola.

Si James ang dating asawa ni Kris at ama ng kanyang anak na si Bimby.

Inamin nina James at Michela na magli-limang buwan nang buntis ang Italian girlfriend ng PBA player sa report ni Ricky Lo para sa The Philippine STAR na lumabas kahapon, February 25.

Read: James Yap's Italian girlfriend is pregnant

Ngunit sa panayam ni James sa PEP, inamin nitong hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa pagbubuntis ni Michela kay Kris at sa anak nilang si Bimby.

Read: James Yap has yet to tell Kris Aquino and their son Bimby about Michela Cazzola's pregnancy

Dahil dito, maraming netizens ang curious malaman kung ano ang naging reaksiyon ni Kris sa balitang ito.

Sa pamamagitan ng Instagram post niya (kriscaquino) ngayong madaling-araw ng Biyernes, February 26, ay nagbigay ng maikling pahayag si Kris tungkol sa nalalapit na pagkakaroon ng bagong kapatid ni Bimby.

Sa caption ng larawan nilang mag-ina, sinabi ni Kris ang magiging activity nila ni Bimby ngayong araw.

At sa huling bahagi nito ay nag-iwan ang Kapamilya TV host-actress ng maikling mensahe para sa mga naghihintay ng kanyang pahayag:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN