Derek Ramsay reveals getting indecent proposals from fans online

Derek Ramsay: "I get offers all the time… I get pictures sent na nakahubad sa DM [direct messaging]. Yung isa nga ay sinagot ko na, 'You shouldn't do this to yourself... hindi siya maganda.' Medyo sobra, kasi ang bata pa."


Epidemic na halos ang sunod-sunod na paglabas ng video scandals ng male celebrities.

Bilang isa sa hot male celebrities, ano ang komento ni Derek Ramsay sa latest development na ito sa Philippine showbiz?

Natatawang sabi ng Kapatid actor-TV host, “No, wala, wala.

“Ang ano ko diyan sa mga sex scandal, hindi ko pinapanood.

“Yung kay Mark [Neumann], hindi ko pinanood.

“They make mistakes, we all make mistakes, we should learn from our mistakes.

“Yung mga dating nagkamali, dapat matuto sa mga pagkakamali nila.”

Noong kabataan daw ni Derek ay hindi siya nakaiwas na gumawa nang hindi tama, pero hindi niya nilinaw kung tungkol saan ito.

Aniya, “Oh well, when I was less mature, I'm sure I made a mistake.

“But I'm lucky enough that the technology wasn't the same as today.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek noong February 24, Miyerkules, sa presscon ng Sunday game show ng Viva/TV5 na HAPPY Truck HAPPinas, na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

BOLD FANS. Ang siste nga raw sa video scandals ay ang mismong mga ka-chat ng celebrities ang kumukuha ng video at wala silang alam na kinukunan na pala sila.

Saad ni Derek, “Ako, I talk to my fans.

“But if the fans go over the limit, na inaaya kang mag-sex chat or whatever you call it, that's where you draw the line.

“Dun ka dapat maging... it's really important that we draw the line.

“I always talk to everyone who tries to jump on me.

“Pero kung bastos na at overboard na ang sinasabi o yung gusto ng tao, inaano ko na.”

Sa puntong ito ay inamin ni Derek na may mga nagyayaya sa kanya.

“I get offers all the time… I get pictures sent na nakahubad sa DM [direct messaging].

“Yung isa nga ay sinagot ko na, ‘You shouldn't do this to yourself.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo sobra, kasi ang bata pa and, I'm sure, it's not even her picture.

“Sinasabi ko, ‘Wag mong gawin ito sa sarili mo, hindi siya maganda.’

“So, yung mga ganun, pinapabayaan ko na lang talaga.”

TEMPTRESSES. Kahit nga raw lantad na mayroon siyang girlfriend, may ilang babaeng nanunukso pa rin kay Derek.

“Yeah, even yung they send me na, ‘O, click this, let's chat.’

“Hindi ko nagagawa yun, I never do it.

“I get pictures sent, and they say, ‘Hey there, you're so hot, sana ma-meet kita.’

"Yun, there's no problem; yun, sinasabi ko, ‘Thank you.’

“Minsan, sinasabi ko, ‘You go to the set.’

“Para sa akin, it's a safe environment.

“Pupunta naman sila sa set.”

Hindi naman daw siya ganun kabilis madala sa mga tukso.

Sabi ni Derek, “A, no, no!

“Ngayon pa na ang priorities ko sa buhay ay iba, and I have a girlfriend.

“So, yung mga ganyang bagay, you just smile away from it.

“Or you just block them if you don't want to receive na ganun kasi sa DM, mahirap, e.

“You want to please your fans, you try to be accommodating.

“Pero sometimes, pag bukas mo, boom, hayan na!

“I don't have a Facebook, wala akong ganyan. I don't video chat even with my friends.

“Kahit sa e-mail, there are so many things there, you just be careful.”

HAPPY ENDING. Mabuti na nga raw at hindi selosa ang kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

Pahayag ng 39-year-old actor, “No, minsan nga ipinapakita ko pa nga sa kanya.”

Secure naman daw ang kanyang kasintahan sa kanya.

“Yeah, we're enjoying our lives, we're happy.

“Hopefully, hopefully, siya na nga.

“Every time we go into a relationship, we look at that, pero sometimes it doesn't work out.

“But I'm investing a lot of time, emotions and effort into this relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, hopefully, it's a happy ending.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN