Sarah Lahbati avoids watching sexy scenes of partner Richard Gutierrez: "Para wala na lang isyu."

Sarah Lahbati feels blessed to have "such an amazing partner" in Richard Gutierrez, and although they're together under one roof, she still misses working with him in a project, "Honestly, I hope I get to work with Chard very soon."

 


Masaya raw si Sarah Lahbati at sobrang proud kay Richard Gutierrez sa pagbabalik nito sa pag-arte sa telebisyon sa pamamagitan ng fantaseryeng Ang Panday ng Viva TV5.

Ayon kay Sarah, “He waited for the right project and merong mga project na in-offer sa kanya before Panday.

“He chose this one because he knew that it was the right one for him.
 
“And tama siya na naghintay siya, hindi siya nagmadali to go back to work para lang…alam niyo yun.

“And now that he’s doing this project, he’s very happy, and I’m happy for him.

“I’m very, very, very proud of Chard, he works hard…

“I know how much effort and energy and strength he puts into this project.

“Nakita ko yung nag-uumpisa pa lang siya, kung gaano siya ka-excited pumunta sa meeting, sa taping.
 
“And, now, mapapalabas na siya sa TV, I’m so excited for him, I’m very proud.

“And, of course, I wanna congratulate the entire team of Ang Panday
 
“I’m sure, aabangan ng mga bata, ng mga tao ang bagong offering ng TV5.”

WISHES TO WORK WITH RICHARD AGAIN. Samantala, aminado rin si Sarah na nami-miss na raw nila ni Richard na magkasama sa isang project. Ang huling serye nila ay ang Makapiling Kang Muli, na umere sa GMA noong 2012.
 
“Honestly, I hope I get to work with Chard very soon.

“At kung mabigyan kami ng chance, definitely, gagawin namin yun.”

Nabanggit ni Richard sa isang interview na ngayong okey na si Sarah sa ABS-CBN, at lumalaki na ang kanilang anak na si Zion, may panahon na siyang gumawa muli ng proyekto.
 
Time for family ang sinasabing dahilan ng aktor kung bakit halos tatlong taon siyang hindi naging active sa showbiz.
 
“Well, of course, I’m very blessed to have such an amazing partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And now, this is his time, and I’ll always gonna be here by his side to support him.

“And I’m excited to watch his new project.”

Kasama nina Sarah at Richard si Zion sa red carpet premiere ng Ang Panday noong Martes ng gabi, February 23, sa SM Aura.

Magsisimula nang mapanood ito sa Lunes, February 29.

Kitang-kita raw nila ang reaksiyon ni Zion habang pinapanood ang ama nito.
 
Lahad ni Sarah, “Grabe, nakatutok, talagang fixated siya sa mga eksena, which is good.” 

Siguro raw ay nagtataka ang two-year-old baby nila kung bakit nandoon ang tatay niya sa screen ’tapos katabi rin niya.
 
“But he likes it, and seems like he enjoyed it,” sabi pa ng aktres.

ANNABELLE’S ADVICE. May payo ang nanay ni Richard na si Annabelle Rama na huwag na lang nilang panoorin ang proyekto ng bawat isa para walang selosan.

“Totoo yun, totoo,” natawang pag-amin ni Sarah.

“Hindi namin pinapanood yung mga kakilig-kilig na scenes or sexy scenes para mas makakaige sa aming dalawa.”
 
Hindi pinapanood ni Richard ang mga sexy dance production numbers ni Sarah sa ASAP?
 
“Depende, but he usually watches with me. 

“We always support each other, and try to watch each other’s shows.

“[We] avoid yung mga hindi na lang namin dapat panoorin para wala na lang isyu-isyu, pero wala sa amin yun.”
 
Sa Ang Panday ay tatlo ang leading ladies ni Richard: sina Bangs Garcia, Sam Pinto, at Jasmine Curtis Smith.
 
“Ang dami, ‘no?,” natawang reaksiyon ni Sarah.
 
“Pero wala, alam naman nating lahat, professionalism.

“And sanay na rin ako, I myself will be working with a project soon with partners.

“So pareho kaming open-minded to work with others para sa trabaho.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN