Kris Aquino explains why she did not watch Madonna's concert

Kris Aquino was touched by Madonna's recognition of the 30th anniversary of EDSA Revolution during the second night of her Manila concert.


Naiyak si Kris Aquino sa paggunita ng international pop superstar na si Madonna sa 30th anniversary ng EDSA Revolution o People Power Revolution, sa second night ng kanyang Rebel Heart Tour concert nitong Huwebes, February 25.

Ang EDSA Uno ang nagpatalsik sa 20-year rule ni yumaong Presidente Ferdinand Marcos at naging daan upang maluklok sa puwesto ang ina ni Kris na si yumaong Pangulong Corazon Aquino.

Sa Instagram post ng Queen of All Media ngayong Biyernes, February 26, nagpasalamat siya sa gesture ni Madonna sa pagkilala nito sa mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Naka-post sa Instagram ni Kris ang bahagi ng speech ni Madonna.

Sabi ng TV host-actress sa caption: “My friend sent me this video & I cried happy tears, in honoring the Filipinos' peaceful victory for freedom, Madonna reminded us how proud we should be to live in a democratic Philippines.”

Itinuturing na bayani ng EDSA Revolution ang mga magulang ni Kris na sina former President Corazon Cojuangco Aquino at former Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sa nasabing post, isiniwalat din ni Kris na naimbitahan siyang dumalo at umakyat sa stage noong concert ni Madonna, subalit tumanggi ang Kapamilya star dahil "mapapahiya lang" daw siya.

“I so wanted to watch pero NAHIYA ako- I'm not fun, I can't dance, and the gracious invitation from her producers to invite me up on stage to be her b*tch for the night scared me—because I knew mapapahiya lang ako for having no beat, no cool vibe & 2 left feet.”

MADONNA’S SPEECH. Sa second night ng Rebel Heart concert tour, kinanta ni Madonna ang kanyang hit song na “Crazy For You.”

Noong first night, February 24, ay tumanggi siyang kantahin ito sa kabila ng requests ng audience na awitin niya ito.

Bago ito kantahin ng Queen of Pop, nagbigay muna siya ng pahayag tungkol sa EDSA Revolution:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thirty years ago, today, something very important happened here in the Philippines. You fought for your freedom.”

Ito rin daw ang unang pagkakataong kinanta nang live ni Madonna ang hit song sa loob ng 30 years, kasing tanda ng EDSA Revolution.

Sabi pa ng international singer pagkatapos kantahin ang “Crazy for You”: “Just for you. First time in the Philippines. For the first time I have sung that song on stage in thirty years. That’s crazy, right?”

Read: Madonna performs 'Crazy For You' in Manila to mark 30th EDSA anniversary


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN