Solenn Heussaff says brother Erwan is 'chill' when it comes to controversies

Solenn Heussaff defends brother Erwan when it comes to controversies: "If you don't know them, you shouldn't judge them."


Ipinagtanggol ni Solenn Heussaff ang kanyang nakababatang kapatid na si Erwan Heussaff kaugnay ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Bagamat low profile lamang ang boyfriend na ito ni Anne Curtis, hindi pa rin nakakaligtas minsan sa intriga si Erwan.

Katulad na lamang ng lumabas na Snapchat video nila ng nakababatang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith.

Nilagyan ng malisya ng ilang netizens ang pagiging close nina Erwan at Jasmine.

Read: (UPDATED) Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

Dinepensahan naman agad nina Solenn at Anne ang dalawa, at sinabing “inside joke” lang ang nasabing video.

Sabi ni Solenn tungkol kay Erwan, “He doesn’t get involved in controversies, people create controversies.

“That’s the difference, he’s not the type to do anything [controversial].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa launch ng kanyang perfume line na SOS (Scents of Solenn), na ginanap sa City Club, Alphaland Makati Place, Makati City, ngayong Biyernes, February 26.

Pahayag pa ng Filipino-French actress-singer, “People nowadays are so fickle-minded and social media just ruins so many things.

“Of course, I love it, in the same way it’s positive and negative.

“But picture can be read in a million different ways or, di ba, kahit mukha kang nag-i-smile sa isang picture, but di mo alam na may problema siya sa buhay, parang ganun.

“So you can’t judge people.

“If you don’t know them, you shouldn’t judge them.”

Pero sa lahat ng kontrobersyang kinasangkutan ni Erwan, hindi ba ito naaapektuhan?

Sagot ni Solenn, “No, si Erwan, mas chill kasi siya sa akin.

“I’m the one kasi who get affected kasi I’m defending him.

“Kasi I’m, like, ‘Why do they need to create such crazy stories?’”

Inamin kamakailan ni Jasmine na "exclusively dating" sila ng non-showbiz guy na si Jeff Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, naniniwala si Solenn na kahit wala mang aminin si Jasmine, hindi pa rin dapat bigyan ng malisya ang closeness nito kay Erwan.

“Kahit hindi siya nag-a-admit, she’s like my sister, we’ve known her since she was tiny, since di pa siya artista.

“Erwan and Anne, they [would] always go to Australia to go and visit Jasmine.

“It’s just people who have malice in their minds.

“So whatever they see is how they see themselves.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN