(UPDATED) Ervic Vijandre arrested for allegedly beating up a guy in Pasay

"Lumapit siya sa akin. Sinabi niya sa 'kin, ikaw ba si Gen Aniag? Nung sinabi ko na ako si Gen Aniag, bigla niya na 'kong inupakan na hindi ko alam kung anong dahilan niya," said complainant Genesis Aniag when asked about altercation with actor Ervic Vijandre.


Naaresto ang Kapuso actor na si Ervic Vijandre, 29, matapos masangkot sa isang engkuwentro sa Pasay City kagabi, February 26.

Inireklamo ng isang nagngangalang Genesis Aniag, 26, na diumano'y bigla na lang siyang sinapak ni Ervic sa Salem Complex, isang lugar ng mga restaurants sa Pasay, bandang alas diyes ng gabi.

Lahad ni Genesis, base sa ulat ng GMA News Balitanghali ngayong araw, February 27: “Lumapit siya sa akin.

“Sinabi niya sa 'kin, ikaw ba si Gen Aniag?

“Nung sinabi ko na ako si Gen Aniag, bigla niya na 'kong inupakan na hindi ko alam kung anong dahilan niya.”

Pagkatapos awatin ng security guards sina Ervic at Genesis ay kaagad din umanong naaresto at dinala sa kalapit na presinto ang aktor.

Pahayag ni Police Officer 1 Jackson Obando ng Pasay Police Station, “Nakahiga, binubuhat po siya ng guard 'tapos tinulungan po siyang itayo.

“Nung pagkatayo po, bigla pong umalis yung victim [Aniag] papunta po sa Uno Bistro.

“Tapos yung suspect [Vijandre] na po natin, na-hold po ng guard.”

Nagtamo rin umano ng mga sugat si Ervic dahil sa naturang insidente.

Ayon pa kay Obando, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon laban kay Ervic para sa reklamong physical injuries na sinampa ni Genesis.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Ervic, ngunit wala pang sagot ang aktor tungkol sa issue.

Ang pamunuan ng GMA Artist Center, na siyang namamahala sa career ng binata, ang naglabas ng maikling statement: “Last night, Ervic Vijandre was involved in a minor altercation with a non-showbiz personality because of personal reasons. His lawyer is now handling the case.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Last night, Ervic Vijandre was involved in a minor altercation with a non-showbiz personality because of personal reasons. His lawyer is now handling the case. - See more at: http://www.gmanetwork.com/artistcenter/articles/2016-02-27/1097/Official-statement-of-GMA-Artist-Center-re-Ervic-Vijandre#sthash.aEwsylmS.dpuf


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN