Klaudia Koronel shares update on uterine tumor prognosis

Former '90s sexy star Klaudia Koronel gives more details about her uterine tumor: "May sakit na ako noon pa, pero ang alam ko lang, myoma lang na maliit sa labas ng matres. Hindi ko expect na malala na pala at napakalaki na din ng myoma ko."


Ngayong Linggo, February 28, sinagot ng former sexy actress na si Klaudia Koronel ang mga pinadala naming mga katanungan tungkol sa kanyang kalagayan via private messaging sa Facebook noong nakaraang Biyernes, February 26.

Nai-post ni Klaudia noong nakaaraang February 25 sa kanyang Facebook page na na-diagnose siya with uterine tumor at kailangan niyang maoperahan.

Read: Former sexy actress Klaudia Koronel diagnosed with uterine tumor

Sa sagot sa amin ni Klaudia, noon pa raw siya na-diagnose na may uterine myoma.

Paglinaw niya, “May sakit na ako noon pa, pero ang alam ko lang, myoma lang na maliit sa labas ng matres.

“Hindi ko expect na malala na pala at napakalaki na din ng myoma ko.”

Kaya noong makita sa kanyang huling check-up na naging tumor na ito, agad siyang sinabihan na kailangan tanggalin ito, at kasama na ring tatanggalin sa operasyon ang right ovary niya.

Hinahanda na ni Klaudia ang kanyang sarili para sa maselang operasyon na ito.

Nagpapasalamat naman ang dating sexy actress sa mga kaanak, kaibigan at iba pang mga tao na nagdadasal para sa kanyang kalusugan.

Kailangan daw niya iyon para lumakas ang loob niya sa daraanan niyang operasyon.

STILL FRIENDS WITH EX-HUSBAND. Nilinaw naman ni Klaudia na “friends” pa rin sila ng kanyang estranged husband na si Andy Zhang.

Noong 2014 daw sila naghiwalay pagkatapos ng limang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Kuwento niya, “Nine years ang pinagsamahan namin ni Andy.

“Five years kaming nagkaroon ng relasyon bago kami kinasal noong 2009.

“Four years kaming nagsama bilang mag-asawa at naghiwalay kami noong 2014.

“We remained friends kahit na nagkahiwalay kami.”

APPEAL FOR PRIVACY. Tungkol naman sa kanyang anak, pakiusap ni Klaudia ay huwag na lang ito pag-usapan.

Aniya, “Wag na lang natin isulat anak ko.

“Para maitago ang privacy nya.

“Nag-aaral kasi baka di makapag-focus.”

Sa latest na post ni Klaudia sa kanyang Facebook page, ito ang kanyang nilagay…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikaw anak ko ang dahilan para patuloy akong lumalaban…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN