Derrick Monasterio confesses to special affinity for gays: "Minsan mas okay pa nga sila kesa sa babae, e."

Derrick Monasterio reveals why he has a special fondness for gays: "Minsan mas masarap silang kausap, mas masarap silang kasama, kasi super-fun ang mga gay people."


Kilalang malapit at mabait sa mga gays ang Kapuso young actor na si Derrick Monasterio.

Ano ang komento niya sa kontrobersyal na panayam kay Manny Pacquiao tungkol sa mga miyembro ng LGBT community?

Idol ni Derrick ang Pambansang Kamao.

Saad niya, “May point naman siya, pero wrong choice of words lang siguro.

Pero may point, meron siyang gustong iparating na tama. Mali lang yung pagka-deliver po siguro.”

Hindi raw nabawasan ang pagtingin niya kay Manny.

Hindi naman. Hindi naman po.”

Ano naman ang pagtingin niya sa mga bading?

Dagdag pa niya, “Ay, mahal ko po, mahal ko po ang mga LGBT, kasi minsan mas okay pa nga sila kesa sa babae, e.”

Biniro namin si Derrick, na baka ma-misinterpret siya sa sinabi niya.

Pagklaro niya, “Hindi, hindi naman. I mean, minsan mas masarap silang kausap, mas masarap silang kasama, kasi super-fun ang mga gay people.”

POLITICS. Dahil nalalapit na ang eleksyon, tinanong din si Derrick kung hindi pa rin nagbabago ang pagnanais niyang pasukin ang pulitika sa tamang panahon.

Sagot niya, “Opo, hanggang ngayon. Gusto ko, gusto ko po talaga.

Tsaka na po, pero hindi ngayon, tsaka na po.”

Ano ang masasabi niya sa ibang tao na nilalait ang mga artistang pumapasok sa pulitika? Na kesyo hindi dapat pasukin ng mga artista ang pulitika.

Hah! Baka mamaya, yung panlalait nilang yun, kami pa ang umayos sa buhay nila,” sambit niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Hanggang Makita Kang Muli (HMKM) noong Lunes, February 22, sa GMA Network Center.

ENCANTADIA REMAKE. May mga fans na nagsasabing bagay si Derrick para sa papel na Ybarro (o Ybrahim) sa remake ng Encantadia ng GMA this year.

Nag-audition po ako. Hindi po ako nakuha!” ang tumatawang pag-amin ni Derrick.

May mga nagsasabing bagay sa kanya ang naturang role na unang ginampanan ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguro po kasi, baka abutan po kasi, pag halimbawa… yung shows [Hanggang Makita Kang Muli at Encantadia] mag-abot po e, so parang wala talagang chance,” pahayag niya.

Nasaktan ba siya na hindi siya natanggap sa Encantadia?

Pag-amin niya, “Sa sobrang gusto ko po ng role, after kong mag-audition, pumunta ako sa simbahan, ipinagdasal ko.”

Ano ang naramdaman niya noong hindi siya napili?

Sabi ko kay God, ‘Let your will be done.’

So okay lang. Feeling ko, may plano sa akin si Lord na mas better,” pagpapakumbaba niyang saad.

At ito nga iyon, ang Hanggang Makita Kang Muli.

Siyempre, Direk Laurice,” ang masayang pahayag pa ni Derrick.

ROLE. Psychology student ang role ni Derrick sa Hanggang Makita Kang Muli at hindi raw siya nahirapan.

Kasi po pinag-aaralan ko rin 'yan sa school,” sabi niya.

Legal Management ang kurso ni Derrick sa totoong buhay.

Pero merong minor in Psych. So nata-tackle namin yang ganyang cases e, yung relationship of animals with humans,” banggit pa niya.

Sa HMKM kasi, bilang isang feral child ay lumaki si Ana [Bea] sa piling ng isang aso kaya na-adapt o na-acquire nito ang lahat ng kilos at ugali ng isang aso.

Nahirapan ba siya na ang iniaarte niya kapag kaeksena si Bea ay tila isang aso ang kaeksena niya?

Naniniwala ako kay Bea na aso talaga siya, in fairness,” bulalas ni Derrick.

Kaya raw hindi siya nahirapang kaeksena ito.

Kasi nadala rin po ako. Kasi hindi po siya talaga nagsasalita.

There’s nothing human about her when she's portraying her character,

Very animal, animalistic yung approach niya,” paglalarawan niya sa karakter ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN