Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest

Box-office director Wenn Deramas succumbed to cardiac arrest earlier today, February 29.


Pumanaw na ang box-office director na si Wenn Deramas dahil sa cardiac arrest ngayong umaga, February 29.

Siya ay 49 years old.

Kinumpirma ng matalik na kaibigan ni Direk Wenn na si June Rufino ang malungkot na balitang ito sa panayam niya sa Teleradyo ngayong umaga.

Ayon kay June, unang isinugod sa Capitol Medical Center ang isang kapatid ni Direk Wenn na dead on arrival (DOA) na.

Nang sumunod daw si Direk Wenn sa ospital ay ito naman ang inatake, na ikinasawi rin ng kanyang buhay.

Bumuhos naman agad ang pakikiramay ng ilan sa kasamahan sa industriya ng yumaong direktor sa social media:

Noong 2013 ay nagkaroon ng mild stroke si Direk Wenn, dahilan upang pansamantala muna siyang tumigil sa pagdidirek sa pelikula at telebisyon.
Kilala si Direk Wenn sa kanyang comedy films na halos lahat ay pumatok sa takilya, partikular na ang mga pelikulang pinagbidahan ni Vice Ganda.
Ilan sa mga idinirek niyang mga pelikula ang mga sumusunod: Ang Tanging Ina (2003), Volta (2004),  D' Lucky Ones (2006), Ang Cute Ng Ina Mo (2007), Petrang Kabayo (2010), The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), This Guy's In Love With U Mare (2012), Sisterakas (2012), Girl Boy Bakla Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at ang huling pelikula niyang Beauty and the Bestie (2015).
Sa telebisyon naman ay si Direk Wenn ang nagdirek ng ilan sa di malilimutang teleserye ng ABS-CBN; kabilang rito ang Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Marina, Kampanerang Kuba, Walang Kapalit, Dyosa, Kahit Puso'y Masugatan, at ang huli niyang teleserye na Flordeliza.
Sa gaganaping 47th Box Office Entertainment Awards sa April 17 ay isa si Direk Wenn sa pararangalan bilang Most Popular Director, kasama si Cathy Garcia-Molina.
Sa Arlington Memorial Chapels, sa Araneta Avenue, Quezon City, ibuburol ang mga labi ni Direk Wenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN