Celebrities mourn death of director Wenn Deramas

Ikinagulat ng marami, lalo na mundo ng showbiz, ang biglaang pagpanaw ng box-office director na si Wenn Deramas ngayong umaga, February 29. Nagpunta lamang sa ospital si Direk Wenn upang i-check ang kalagayan ng ate niyang si Mary Anne, na naunang isinugod sa Capitol Medical Center kaninang-madaling araw, ngunit inatake naman siya nang malamang pumanaw na ito.


Magkasunod na binawian ng buhay ang box-office director na si Wenn V. Deramas at ang ate nitong si Mary Anne o Wawa sa Capitol Medical Center, sa Quezon City, ngayong Lunes, February 29.

Unang pumanaw si Wawa, alas-2:47 ng madaling-araw, nang isinugod ito sa ospital pero dead on arrival (DOA) na ito.

Bandang alas-sais ng umaga nang pumunta si Direk Wenn sa ospital ngunit inatake rin ito nang malamang binawian na ng buhay ang kapatid.

6:15 A.M., idineklarang wala nang buhay ang direktor matapos itong makailang beses na i-revive ng mga doktor.

Siya ay sumakabilang buhay sa edad na 49.

Read: Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest

A SAD NEWS TO WAKE UP TO. Bumuhos kaagad sa social media (Facebook, Twitter, at Instagram) ang pakikiramay sa mga naiwang kamag-anak ni Direk Wenn.

Dito rin ay ibinahagi ng marami ang kanilang naging karanasan sa trabaho noong nabubuhay pa ang batikang direktor.

Naging trending topic sa Twitter ang hashtags na #DirekWenn at #WennDeramas.

Ang pinakamalapit na kaibigan at katrabaho ni Direk Wenn na si Vice Ganda ay labis na nalungkot sa pagpanaw nito.

Ang huling pinagsamahan nila ay ang blockbuster film sa Metro Manila Film Festival 2015 na Beauty and the Bestie, kasama si Coco Martin.



Candid lang ang litrato, pero ito ang pinili ko: sa presscon ng Galema, na isang malaking (pangalawang) pagkakataon na naniniwala akong hindi matutupad kung hindi dahil sa'yo direk. Pitong taong gulang ako nung una kong sinabi na gusto kong subukang sumabak sa pag arte, at kahit hindi naman sigurado, hindi ka man lang nagdalawang isip na bigyan ako ng project. Naniwala po kayo sakin bago pa man akong matutong maniwala sa sarili ko. kahit pakiramdam ko na binigo ko kayo noon, hindi kayo sumuko sakin. Mula Wansapanataym, hanggang Momzillas, at kahit sa telepono nalang tayo nakakapagkamustahan, isa po kayo sa nagbibigay sakin ng lakas ng loob na wag din sumuko. Hanggang sa tunay ko na kayong naging nanay hindi lang sa industriya. Maraming salamat po direk sa lahat ng naituro nyo sakin at sa lahat ng walang kamatayang advice na binibigay nyo, sa pag arte man o sa love life, lagi kayong andyan na handang makinig sakin. Mamimiss ko po ung pagtext nyo sa amin ng mga dasal na gumigising sakin araw araw. Walang tatalo sainyo direk sa pagpapatawa at bigay kulay sa mga kwento mong orihinal at mga karakter na napakasarap gampanan. Mapacomedy man o drama. Oscars pa naman ngayon. Isa sa pinakapaboritong topic na pinaguusapan natin pag break time sa taping o shooting. Ang bigat ng pakiramdam, pero alam ko pong ngayon, nakakapagpahinga na kayo at kasama nyo na Siya sa itaas. Ang buhay ko sa showbiz ay tuluyan ng magbabago ngayon at wala na kayo. Lagi po kayong nasa puso at isipan ko. I will miss you nanay direk Wenn.

A photo posted by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on





You will always be remembered Direk Wenn. Rest in peace. ?????

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN