John Lloyd Cruz downplays Berlin moment with Oscar-winner Meryl Streep

John Lloyd Cruz on his rare encounter with Oscar-winning actress Meryl Streep: "Yung pagpayag niya na magpa-picture sa amin para sa pelikula namin, to be honest, nagkaroon talaga ng extra popularity. Kundi man yung ganung klase ng popularity na naabot na dahil lang sa picture. Pero sabi ko nga, let's not forget yung totoong reason why kami nandun, it wasn't for that picture."


Isang kakaibang karanasan daw para sa aktor na si John Lloyd Cruz ang pagdalo sa Berlin International Film Festival nitong buwan.

Nagpunta sa Berlin, Germany si John Lloyd bilang bahagi ng Philippine contingent para sa Main Competition entry na Hele sa Hiwagang Hapis (A Lullaby To The Sorrowful Mystery).

Nanalo ang nasabing pelikulang idinirek ni Lav Diaz ng Silver Bear Alfred Bauer trophy.

Paglalarawan ng Kapamilya actor, “It’s like no other, iba kasi you’re talking about the world stage of cinema.

“Monumental, ibang klase yung experience, you’re talking about the likes of Meryl Streep, Clive Owen... sila yung jury.

“Para mapanood nila ang pelikula mo, dun pa lang, it was already an honor.

“Para mabigyan pa ng parangal ang pinaghirapan ninyo, di ko alam kung ano ang pakiramdam ni Lav Diaz ngayon.

“Talagang doon, very well celebrated. Ilang taong ginagawa ni Lav Diaz yun.

“And I’m really happy na finally naabot niya and naging part siya ng main competition ng Berlinale.

“And he actually won Silver Bear.”
 
MERYL-STREEP FACTOR. Naging malaking balita naman dito sa Pilipinas ang lumabas na larawan ni John Lloyd habang kausap ang Oscar-winning actress na si Meryl Streep.

Bagamat aminado ang aktor na nagkaroon ng ingay ang pelikula nila dahil sa litrato nila kasama si Meryl, hindi raw iyon ang pangunahing dahilan kung bakit sila nagpunta sa Berlin.

Saad ni John Lloyd, “In the beginning, of course, sino ba ang di mae-excite nun, you have a picture with the Meryl Streep?

“Kasi nung nandun kami, it seemed everything back here was so quiet.

“And then, na-post yung picture na yun, biglang mayroon nang nalaman about us being there.

“Nung una, wala talaga, until that picture. Napakalaki ng nagawa ng picture na yun.

“Yung pagpayag niya na magpa-picture sa amin para sa pelikula namin, to be honest, nagkaroon talaga ng extra popularity.

“Kundi man yung ganung klase ng popularity na naabot na dahil lang sa picture.

“Pero sabi ko nga, let’s not forget yung totoong reason why kami nandun, it wasn’t for that picture [with Meryl].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH JENNYLYN. Sa kabilang banda, sinisimulan nang gawin ni John Lloyd ang isang romantic-comedy film na pagtatambalan nila ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Ang tituloy nito ay Just The 3 of Us na idinidirek ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.

Sa hiwalay na panayam kay Jennylyn, sinabi nitong katuparan ng kanyang pangarap ang makatambal sa isang pelikula si John Lloyd.

Reaksiyon dito ng aktor, “Alam mo naman ako, pag pelikula, it’s another chapter of my life.

“At least ngayon, I have the privilege of including Jen in this chapter, very lucky one... I’m a lucky dude.”

Marami ang humuhulang magiging blockbuster na naman ito, kung ang pagbabasehan ay ang bankability na naipamalas na nila John Lloyd at Jennylyn sa mga nakaraan nilang pelikula.

Saad ng aktor, “Ang lakas maka-feeling ng sinabi nyo, pero nagpapasalamat lang tayo.

“Of course, it’s very flattering.

“Pero bukod kasi dun, mayroon tayong trabaho na kailangang gawin.

“We’re working really hard para makagawa tayo ng isang pelikula na mamahalin ng mga tao.

“So far so good yung trabaho namin, it’s been going smoothly.

“Gaya ng sinabi ni Jennylyn, excited na rin ako para sa kalalabasan at sa mga bagong experience.

“Like I’ve said, another chapter na naman ito sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN