Kris Bernal tells Renz Fernandez to court her again after Little Nanay

Kris Bernal: "Yung love life ko ngayon, zero, kasi wala talaga akong time... ang dami ko talagang inaasikaso, sa bahay, sa family."


Hindi naman daw sinasabi ni Kris Bernal na walang pag-asa si Renz Fernandez sa panliligaw sa kanya. Ayaw lang daw niyang magpa-asa.

Si Renz ang nali-link ngayon kay Kris, kaya marami ang nagpapalagay na galing sa Kapuso actor ang mga bulaklak na ipinost ng aktres sa kanyang social media account.

Oh sooo pretty. ?????????? Good night for me and good morning to you!!! #longday

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on


Pero paglilinaw ni Kris, hindi lang naman si Renz ang manliligaw niya ngayon.

“May mga non-showbiz din.

“Pero yun nga, yung love life ko ngayon, zero, kasi wala talaga akong time.

“Hindi lang naman dahil sa Little Nanay, pero ang dami ko talagang inaasikaso—sa bahay, sa family.

“Sobrang dami ko talagang inaasikaso, kaya nag-lie low na rin naman siya [Renz] sa panliligaw. 

“Sabi ko naman, kung talagang gusto niyang manligaw, siguro after ng Little Nanay, tingnan natin.”

CAREER HIGHLIGHT. Itinuturing daw ni Kris na isa sa mga highlight ng career niya ang lead role niya sa Little Nanay.
 
Malaking bagay rin sa kanya na makatanggap ng magagandang feedback dahil sa karakter na ginagampanan niya.
 
Dagdag pa ng Kapuso actress, “But at the same time, sad din kasi matatapos na kami.

“Nag-extend na kasi kami ng four weeks halos.”
 
Tulad ng mga artistang gumaganap na bading, tomboy o transgender, malaking bagay raw para kay Kris ang role niyang mentally challenged na nanay.

Halos magkasing-edad nga raw sa pag-iisip ang karakter niyang si Tinay at ang gumaganap niyang anak dito.

Ayon kay Kris, “Ang hirap talagang kumawala sa character, minahal ko na talaga, e.

“Minsan nga, may mga scenes ako na naiiyak na lang ako dahil naaawa ako sa character.
 
“Kumbaga, feel na feel ko na talaga.”

Sabi pa niya para raw ma-erase si Tinay, “After ng Little Nanay sa April, maglo-London ako with family, mga three weeks kami dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN