Maine Mendoza retrieves Instagram account from hacker

Na-retrieve na ni Maine Mendoza ang kanyang Instagram account matapos itong ma-hack anim na araw na ang nakalilipas. Binalaan naman ng Dubsmash Queen ang mga taong walang magawa sa buhay: "To those who are STILL trying to get into my social media accounts, naku naku naku may kalalagyan din kayo."


Naibalik na kay Maine Mendoza ang kanyang Instagram account na na-hack noong nakaraang linggo.

Read: Maine Mendoza's Instagram account hacked again

Kahapon, February 29, nabawi na ng Dudsmash Queen ang Instagram account sa tulong ng tech enthusiast na si Carlo Ople.

Kinagabihan, nakapag-post na muli si Maine sa kanyang account.

Sabi ni Maine, “My Instagram account is back! Big thanks to Sir @CarloOple for helping me retrieve my account and my photos!

"You don't know how happy I am right now! Saktong sakto sa birthday ko!”

Sa Huwebes, March 3, ang ika-21 kaarawan ng phenomenal star.

May babala naman si Maine sa mga taong aniya’y walang magawa at pinagdidiskitahan ang buhay ng iba.

“To those who are STILL trying to get into my social media accounts, naku naku naku may kalalagyan din kayo.

"It's actually crazy how much effort people put into trying to ruin someone else's life..but no, never will I give someone who is trying to bring me down the satisfaction of succeeding.

“Tip: Do yourselves a favor and do something worthwhile with your time. Don't go around messing with other people's lives just cause *clears throat* your life sucks. ??? (credits to maichardpng for the maine emoji lol).”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN