Vice Ganda on Wenn Deramas's death: "Ngayon, hindi ko na alam kung paano na ako gagawa ng pelikula."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naiibsan ang dalamhating nararamdaman ni Vice Ganda matapos pumanaw ang kaibigan at favorite film director niyang si Wenn Deramas. Pahayag ng comedian-TV host, "Kasi hindi ko naman alam kung mayroong magtitiwala sa akin, katulad nung tiwala na ibinibigay sa akin ni Direk Wenn."


Hindi raw alam ni Vice Ganda kung paano na ang kanyang movie career ngayong wala na si Wenn Deramas.

Si Direk Wenn kasi ang nagbigay ng malaking tiwala kay Vice sa larangan ng pelikula at naging direktor ng lahat ng kanyang mga pelikula.

Pumanaw si Direk Wenn dahil sa atake sa puso, ilang oras lang matapos nitong malamang yumao na ang kanyang ate na si Mary Anne Deramas, na naunang isinugod sa Capitol Medical Center, madaling-araw ng Lunes, February 29.

Read: Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest

Pahayag ni Vice sa panayam sa kanya ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, “Ngayon, hindi ko na alam kung paano na ako gagawa ng pelikula.

“Lagi ngang tinatanong sa akin noon, ‘Bakit laging si Direk Wenn?’

“Kasi hindi ko naman alam kung mayroong magtitiwala sa akin, katulad nung tiwala na ibinibigay sa akin ni Direk Wenn.

“Ang laki ng nawala sa akin. Hindi lang ako natanggalan ng direktor, kundi natanggalan din ako ng confidence.”

Unang nabigyan ng pagkakataong gumawa ng pelikula si Vice sa Apat Dapat, Dapat Apat noong 2007 sa direksiyon ni Direk Wenn.

Si Wenn din ang naging direktor ni Vice sa kanyang launching film na Petrang Kabayo noong 2010.

Simula noon, sunud-sunod na ang pagiging blockbuster ng kanilang tambalan sa pelikula: The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), This Guy's In Love With U Mare (2012), Sisterakas (2012), Girl Boy Bakla Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Beauty and the Bestie (2015).

Read: Vice Ganda pays tribute to the late Wenn Deramas

Humahagulhol na sabi pa ng comedian-TV host, “Para akong nawalan ng magulang.

“Para akong batang paslit na naulila. Hindi ko alam.

“Kaya ang lungkot-lungkot ko. Hindi ko talaga alam kung paano.

"Siya kasi ang gumawa ng career ko, e.”

PREMONITION? Nagkuwento rin ang It’s Showtime host sa naalala niyang huling biruan nila ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magbabalik-tanaw daw, para itong premonisyon sa pagpanaw ng direktor.

Lahad ni Vice, “Naghaharutan kami sa Facebook messenger kasi pinadalhan niya ako nung friendship rose, ‘And if you think I’m a good friend, you get back to me.’

“Tapos sinagot ko siya ng ‘Ayoko.’

“Tapos sinagot niya ako ng ‘Ay, sorry missent.’

“Puro tungkol sa bulaklak ang pinag-uusapan namin.”

Ibinahagi rin ni Vice ang pagsugod niya sa ospital kahapon ng umaga.

“Pagpasok ko ng ospital, dun sa emergency room, nakita ko siya agad. Para akong namanhid.

“Hindi ako nakaiyak agad. Pinipisil ko lang yung kamay niya, ang lamig na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN