Jolina Magdangal neither confirms nor denies Toni Gonzaga's pregnancy

Jolina Magdangal confirmed that her upcoming teleserye Written In Our Stars has stopped taping. According to Jolina, she knows nothing about her co-star Toni Gonzaga's condition. "Wala pa talagang confirmation, so hindi namin alam kung totoo ba or hindi."


Kinumpirma ni Jolina Magdangal na nahinto ang taping ng upcoming ABS-CBN teleserye na Written In Our Stars, kung saan kasama niya sa cast sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Toni Gonzaga.

Naiulat dito sa PEP na isa sa posibleng dahilan ng pagkaantala ng nasabing teleserye ay dahil sa pagbubuntis ni Toni.

Read: PEP SCOOP. Toni Gonzaga is pregnant!

Subalit nang tanungin si Jolina tungkol dito, sinabi niyang wala siyang alam sa pagbubuntis ng kanyang co-star.

“Hindi pa siya nagsasabi, e.

“Wala pa talagang confirmation, so hindi namin alam kung totoo ba or hindi.

“Ayoko namang magtanong, nahiya naman ako, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jolina sa launch ng kanyang Back To Love album, ngayong Martes, March 1, sa The Lounge, Tomas Morato, Quezon City.

Ayon pa sa 37-year-old singer-actress, naghihintay lang ang buong cast kung kailan sila magsisimulang mag-taping uli.

“Hindi pa kami nagre-resume, e.

“Kahit kaming mga cast, naghihintay rin kami, wala pang meeting na nangyayari.

“Pero ang sabi nila sa amin, magkakaroon muna ng meeting, so antay muna kami.”

Kasama ang Written In Our Stars sa mga inanunsiyong handog ng Kapamilya network para sa first quarter ng 2016.

Ang sinabi raw dahilan kung bakit nahinto ang taping ng Written In Our Stars ay dahil may kinakailangan pang ayusin sa istorya at kailangang dagdagan ang mga eksena.

“Tapos hindi na kami nagtanong uli kasi hindi pa naman sila nagtatawag.”

Pero inamin ni Jolina na naiinip siya dahil sa pagkaka-delay ng Written In Our Stars.

“Medyo naiinip ng kaunti kasi siyempre dati, excited, ang taas taas [ng energy], tapos nagte-taping na kami.

“Siyempre, pag nakakapahinga ka, nawawala yung momentum, e.

“Pero alam ko naman na if ever mag-resume kami, magkakaroon na naman ng workshop diyan.”

Ayon kay Jolina, noong December 16, 2015 ang kanilang huling taping day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN