Miles Ocampo and Iñigo Pascual see each other as girlfriend-boyfriend material

Miles Ocampo on relationship with Iñigo Pascual: "Mas nag-ano nga [level up] yung friendship namin. Kasi noong mga bata pa po kami sa Quiapo [sa set ng Mangarap Ka] lang po kami nag-uusap at naglalaro. Ngayon, medyo seryoso na nga po yung pinag-uusapan namin."


Mas naging close daw sa isa’t isa sina Miles Ocampo at Iñigo Pascual nang pagtambalin sila ng Dreamscape Entertainment Television sa ABS-CBN afternoon teleseryeng And I Love You So.

First time man nilang magkatrabaho sa nasabing teleserye, dati nang magkakilala sina Miles at Iñigo noong mga bata pa sila dahil nakatrabaho ng young actress ang ama ng young actor na si Piolo Pascual sa seryeng Mangarap Ka noong 2004.

Ayon nga kay Iñigo, nag-level up ang friendship nila ni Miles.

“Mas naging close kami ni Miles. The last time we were able to hang out was when we were kids.

“Tapos ngayon lang kami parang yung mga serious topics napag-uusapan namin.”

Sumang-ayon naman si Miles sa sinabi ni Iñigo.

Pero nagpaliwanag ang young actress tungkol sa diumano’y madalas daw siyang yakapin ni Iñigo.

“Sa hugging… si Iñigo kasi very touchy, super sweet kasi niya.

“Touchy in a way na sweet na ganyan. Hindi po ano [yung may malisya].

“So, yun po siguro, sweet si Iñigo at mas nag-ano nga [level up] yung friendship namin.

“Kasi noong mga bata pa po kami sa Quiapo [sa set ng Mangarap Ka] lang po kami nag-uusap at naglalaro.

“Ngayon, medyo seryoso na nga po yung pinag-uusapan namin,” sabi ni Miles.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Miles at Iñigo sa finale presscon ng And I Love You So, na ginanap noong February 29 sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Nakasama nila sa presscon ang co-stars nilang sina Julia Barretto at Kenzo Gutierrez, pati ang mga direktor ng serye na sina Jerome Pobocan at Jon Villarin.

GIRLFRIEND & BOYFRIEND MATERIAL. Sa ngayon, sinasabi nina Miles at Iñigo na magkaibigan lang sila.

Pero sa pananaw ng ilang reporters, kung pagbabasehan ang mga kilos nila, parang may nade-develop na something special sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman isang reporter ang direktang nagtanong sa kanila kung sila na ba sa totoong buhay.

Natawa muna sina Miles at Iñigo bago sumagot ang young actress, “Ano… magkaibigan po kami ni Iñigo.”

Para sa kanila ba ay girlfriend at boyfriend material ang isa’t isa?

Sagot ni Iñigo, “I do see Miles as girlfriend material.

“Si Miles kasi maalagain, sobrang bait, and I guess she’s there for me. Nakakatuwa.”

Nakikita rin daw ni Miles na boyfriend material si Iñigo.

“Opo naman, kasi maalaga rin siya and sweet. So, siguro boyfriend material nga.”

Sa ngayon ay ayaw raw nilang madaliin ang mga bagay-bagay. Masaya lang daw silang nagkatrabaho sila sa And I Love You So.

Thankful nga si Iñigo kay Miles dahil very supportive daw ito sa kanya sa teleserye.

Pahayag ng young actor, “With Miles, sobrang dali niyang kasama.

“She helps me kasi palagi akong ninenerbiyos. Every time I have a scene, I’m always freaking out po.

“Kaya she was that person who always tells me to calm down.”

Magtatapos man sa March 11 ang And I Love You So, magkikita at magha-hang out pa rin naman daw sila at magiging open pa rin ang communication nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN