Lubos ang pasasalamat ni Maine Mendoza sa kanyang fans na naghanda ng sorpresa para sa 21st birthday niya.
Isang birthday party ang inihanda ng grupo ng fans ng Maine na may bansag na “Solid Maine Unite” sa Elements at Centri, sa Quezon City, kahapon, March 1.
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Maine ang pangyayari kung paano siya nahikayat pumunta sa Coachella-themed party niya.
“It was a surprise birthday party for me—from the people who love me.
“There were A LOT of people in the venue and they were all greeting me a happy birthday as I pass by.
“I was dumbfounded, I was screaming 'Ano to!' the whole time.”
Dagdag pa niya, “My birthday came a little early and I am just so glad that I got to spend it with the people behind my accomplishments; my family, my friends and some of my lovely supporters.”
Ipagdiriwang ni Maine ang kanyang ika-21 kaarawan bukas, March 3.
Sa huling bahagi ng kanyang IG post, inulit ni Maine ang kanyang pasasalamat sa fans na nag-abala para sa kaarawan niya.
“Thanks for making my birthday (extra) special!
“To everyone who came and enjoyed the night with me, maraming salamat!
“Kakasimula pa lang ng Marso, buo na agad buwan ko– salamat sa inyo! I love you all!”
Ito ang unang pagkakataong magdiriwang ng kanyang kaarawan si Maine bilang isang showbiz personality.
Narito naman ang ilang Instagram videos na kuha mula sa nasabing okasyon: