Joey Paras grateful to director Wenn Deramas for believing in him

Joey Paras still hears the late Wenn Deramas admonishing him, 'Bakla ka, di ka babae, tigilan mo 'yang mga pagpapa-girl mo... lumabas ka, takot ka sa tao.'


Isa sa labis na naapektuhan sa pagpanaw ng direktor na si Wenn V. Deramas ay ang Sunday Pinasaya mainstay na si Joey Paras.

Ito ay dahil si Direk Wenn ang nagbigay ng malaking break kay Joey sa pamamagitan ng launching movie niyang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki noong 2013.

Pahayag ni Joey sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Di ko tanggap, e, lahat kami di naniniwala.

“Alam mo yun, very Wenn Deramas, parang lahat joke.

“Nag-aantay kami ng punchline para bumangon siya, tawanan, ganun.

“Feeling ko, sana ganun. Pero hindi, e, wala.

“Di ko alam, nawalan na ako ng nanay, kaibigan, dream giver.
  
“Sinabihan nila ako sa house, ‘Patay na si Direk Wenn.’

“‘Ano, ganun lang?’ Hindi ko pa absorb, parang mga 11 A.M. [ng Lunes, Feb. 29] bago ko natanggap.

“Kinalkal ko muna yung Facebook, social media... ayun na nga, sabi nila, wala na.” 

Kahit daw si Joey ay nagtaka nang ibigay sa kanya ni Direk Wenn ang napakalaking role sa pelikulang Bekikang.
    
“Never kong pinangarap, never kong hiningi, pero ibinigay niya.

“'Bakit, Direk, bakit ako?'

“‘Basta ikaw, kapag hindi ikaw, hindi ko gagawin.’”

THANK YOU, DIREK. Ano ang mga mami-miss niya sa yumaong direktor?
   
Ayon kay Joey, “Yung kabuuang siya... tuyot na tuyot na nga ako, parang ayoko nang umiyak.

“Yung Wenn Deramas na di mo alam na trabaho na pala ang ginagawa mo kapag kasama mo siya, kasi sobrang saya.

“Akala mo nagkita lang kayo, kakain kayo, papaartehin ka niya, tapos uwi na kayo, pack up.

“Ay, trabaho pala ito, sobrang saya!

“Saka yung pamilya, trinato niya kami na hindi iba sa kanya.”

Labis din ang pasasalamat ng komedyante sa mga naging payo sa kanya ng yumaong direktor.
   
“Ito ang pumasok sa akin after ko na i-share ito, ‘Bakla ka, di ka babae.’

“Laging sinasabi ni Direk Wenn ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Bakla ka, di ka babae, tigilan mo ‘yang mga pagpapa-girl mo.’

“Siyempre tayo, mga bakla, etc, etc, ganyan, usapang love life, yun.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Oo nga, ganyan ka, wala ka namang love life, beh.’

“Lagi niya akong ginaganyan.
  
“Sa work, yakapin ako ng mga tao, kasi may pagka-introvert sa totoong buhay, ha.

“Kabaligtaran ako sa mga napapanood sa TV at pelikula.

“Palagi niyang sinasabi sa akin na, 'Bakla, lumabas ka, takot ka sa tao.'

“Kasi sa work naman, di naman niya ako masyadong tinatalakan o sinasabihan ng mga points. More of kuwentuhan lang, 

“Natututo na ako sa mga ginagawa namin.”

Patuloy ni Joey, “Mahal na mahal kita, Direk Wenn, at saka di ko makakalimutan lahat.

“Di kita makakalimutan kasi isa ka sa mga tao, isa ka o ikaw lang ang naniwala sa kakayahan ko, tulad ng ibang mga natulungan mo sa industriya na ito.

“Di lang yung trabaho ang shinare mo sa amin kundi ang buhay mo.

“Inalaan mo ang buhay mo kaya maraming-maraming salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN