Did Jose Manalo make an offensive remark about Wenn Deramas on Eat Bulaga?

MTRCB denies summoning Eat Bulaga! for Jose Manalo's "abo ng bading" remark during the Kalyeserye episode last Tuesday, March 1.


Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kumakalat na balita sa social media na ipinapatawag ang staff ng Eat Bulaga! dahil umano sa naging pahayag ni Jose Manalo sa “Kalyeserye” episode ng Eat Bulaga! noong Martes, March 1.

Wala raw anumang utos ang pamunuan ng MTRCB tungkol dito, ayon sa text message na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chairman Eugenio “Toto” Villareal kaninang hapon, March 2.

SCOOP: MTRCB, ipapatawag ang buong staff ng EB kaugnay ng pambabastos nito sa namayapang si Direk Wenn Deramas ano mang oras/araw simula ngayon.

Posted by Certified Kapamilya on Tuesday, March 1, 2016

Ang tinutukoy na offensive na biro diumano ng ilang netizens ay mula sa isang bahagi ng Kalyeserye, kung saan inilabas ni Lola Nidora (karakter ni Wally Bayola) ang  tila isang maliit na jewelry box.

Sabi ni Lola Nidora, “Puwede nang itapon ito.”

Sabi naman ni Lola Tidora (karakter ni Paolo Ballesteros): “Ano ba, si Lolo 'to.”

Sumabat naman si Lola Tinidora (karakter ni Jose): “Ano'ng si Lolo, 'yan yung abo ng bading kahapon.”

Sa mga nagtatanong kung totoo ba yung joke ni Jose about "abo ng bading kahapon", totoo po iyon. Ito ang video. Sinabi...

Posted by Keneth Quinto on Tuesday, March 1, 2016

Ilang manonood ang kaagad na nag-ugnay sa sinabi ni Jose sa pagkamatay ng direktor na si Wenn Deramas noong February 29, Lunes.

Ngunit nilinaw ng ilang nakapanood ng naturang episode ng Eat Bulaga! na hindi ang yumaong direktor ang tinutukoy ni Jose.

Ito raw ay yung matandang namatayan ng anak na bading na lumabas sa Eat Bulaga! noong February 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN