Benjamin Alves insists he and Glaiza de Castro are just friends

Magkakaibigan lang daw talaga sina Benjamin Alves at Glaiza de Castro. At ayon sa aktor, patuloy pa rin ang komunikasyon nila sa isa't isa.


Magkaibigan lang daw talaga sina Benjamin Alves at Glaiza de Castro.

Nanindigan ang 26-year-old Kapuso actor na walang namamagitan sa kanila ng singer-actress, higit pa sa pagiging magkaibigan.

“The same as before, we’re still friends, but nadidiligan because you guys [media] keep on asking. But we’re still friends as before.”

Pero nagdi-date pa rin ba sila?

Sagot ni Benjamin, “Yeah, but lately, both of us have been busy, especially her.

“So we’re still friends, we’re still in communication naman.”

Ang tinutukoy ni Benjamin na pinagkakaabalahan ngayon ni Glaiza ay ang remake ng Encantadia.

“Well, I think she’s doing Encantadia, so that’s gonna be after that…

“And knowing the success of Encantadia before, I’m sure this is gonna be more successful.

"Encantadia ran for a year last time, sigurado this will last, last [for long] because of the people involved in it and the power of social media.

“Kung anong gusto nilang makita sa show... so I’m looking forward to it.

"I’m looking forward to her new project.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa grand opening ng pangalawang branch ng Book and Borders, sa RDM Building 5, Tuscany Estates, McKinley Hill, Bonifacio Global City, Taguig City, noong Martes, March 1.

Isa si Benjamin sa part-owners ng naturang restaurant. Nagsisilbi na rin siyang endorser nito, kasama si Karylle, na partner din nila sa nasabing negosyo.

BENJAMIN, THE POET. Nitong nakaraang Valentine’s Day, hiniling ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan-Caliwara kay Benjamin na magsulat ng isang tula para sa mga single.

Pinagbigyan naman ng aktor ang PEP.

Read: Benjamin Alves writes a poem for all singles and it will make hearts melt!

Dati pa raw ay mahilig na siyang magsulat ng tula.

“A, dati pa po yun, when I was still a kid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I love writing kaya yun ang pinili kong degree… kurso sa college because sa passionate mind.

“I’m very thankful that sila Miss Karen from PEP requested a poem for Valentine’s, I hope people read it and can relate to it.

“And natuwa naman and gave them hope maybe next year, they’ll have someone to spend it with.”

Nagtapos si Benjamin ng kursong English Literature summa cum laude sa University of Guam.

UPCOMING PROJECTS. Ano naman ang susunod niyang proyekto sa GMA?

Sabi ni Benjamin, “I hear a lot of things. I hear naman na what their plans, I hear what they wanna do.

“It’s been a while naman since Beautiful Strangers, I’m just staying ready.

"I’m keeping an open mind on what they wanna do, who they wanna pair up.

“I think we're having a pairing session with the girls. I don’t know who the girls are, but that’s always a nice thing to do.

“It’s something nice to do, bahala na ang GMA dun, and I trust them naman with all my projects.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN