Jamie Rivera reacts to Madonna's use of Philippine flag as prop in her concert

Inspirational Diva Jamie Rivera reacts on the controversy involving Queen of Pop Madonna, who used the Philippine flag as a prop during her concert in the country last week.


Nagbigay ng opinyon ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera hinggil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng international pop superstar na si Madonna, kaugnay ng kanyang two-day Rebel Heart concert sa Mall Of Asia Arena, noong February 24 at 25.

Bago maganap ang concert, nanawagan si Lipa City Archbishop Ramon Arguelles na huwag panoorin ang show ng Queen of Pop dahil sa “vulgar” at “suggestive” umano ang kanyang musika.

Pangalawa, binatikos ng ilang netizens at ng National Historical Commission (NHC) si Madonna dahil sa paggamit nito ng bandila ng Pilipinas bilang prop sa kanyang concert, at isinuot pa ito sa kanyang balikat.

Napanood ni Jamie ang concert ng international singer sa ikalawang gabi nito, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon niya hinggil sa isyu.

Pahayag niya, “Nagpunta naman ako dun kasi gusto kong makita yung art.

“Actually, hindi talaga ako fan na fan, e, kaya lang gusto ko lang makita yung songs na gusto ko as an artist.

"Yun lang 'yon. Yun ang reason kung bakit ako nagpunta run.”

Naniniwala si Jamie na may basehan kung bakit dapat masita si Madonna sa paggamit nito ng bandila ng Pilipinas bilang props.

“May right naman talaga na punahin kasi iginagalang natin yun, simbolo ng ating bansa yun, watawat ng Pilipinas yun,

“May right naman na punahin kasi winagayway niya, parang sa likod niya ginawa,” sabi ng Pinay singer sa PEP at dalawa pang miyembro ng press sa launch ng kanyang single na “Pag-isipan Mo,” na ginanap nitong Miyerkules, March 2, sa Don Henrico’s Pizza, sa Quezon City.

Ayon sa NHC, isang paglabag ang ginawa ni Madonna sa Republic Act 8491 Section 34, item C, o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” na nagbabawal na gamitin ang watawat “in whole or in part as a costume or a uniform.”

Dahil dito, nagkaroon ng panawagan ang iba na i-ban si Madonna sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinahayag ni Jamie ang kanyang opinyon sa ginawa ng international singer.

“Siguro, ang tingin ko, I think ang akala ni Madonna, she was giving honor by doing so.

“Siguro ginawa niya yun hindi para bastusin kasi wala namang gagawa ng ganun, di ba?

“Tapos nalaman pa niya na celebration ng People Power [Revolution].

“Siguro for her—yun ang tingin ko—akala niya she was… para bang celebrating with us.

“Palagay ko, hindi niya intensiyon na bastusin.

“Kaya lang, siyempre on the part ng historical commission, para sa kanila, sinasabi nila na hindi tama.”

Sa isang punto ng concert ni Madonna noong second night, inalala niya ang 30th anniversary ng People Power Revolution at kinanta pa nang live ang “Crazy for You” sa unang pagkakataon pagkatapos ng 30 taon.

Dati pa man, naisyu na si Madonna dahil sa pagiging unconventional nito pagdating sa kanyang musika.

Gaya rin sa kanyang concert sa Pilipinas, may mga nagulat sa mga babaeng performers na naka-underwear at may suot na head dress na pang-madre.

Nagsayaw rin si Madonna sa isang pole na tila crucifix sa dulo nito.

Opinyon ni Jamie, “Blasphemous talaga pag tiningnan mo siya sa aspeto ng religion, talagang blasphemous.

“Pero pag tiningnan mo siya as an art, extravagant and super spectacular. Para kang nanood ng Las Vegas [show].

“Ako, yun ang gusto kong makita lang, kung paano [ang execution ng performances].

“Kasi as an artist, ihihiwalay.

“Pero with regards to religious aspect, blasphemous talaga.”

NEW SONG. Samantala, sa kanyang bagong kantang “Pag-isipan Mo” ay hihikayatin niya ang mga botante na isiping mabuti ang kanilang iboboto ngayong darating na eleksyon.

Ito ang unang beses na gumawa ng kanta si Jamie na may kinalaman sa pulitika o eleksyon.

“Inspiring pa rin naman ang kanta, that’s why I wrote the song to inspire the people to think, so inspirational pa rin ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit naman dati pa, talaga namang makabayan ako, e, pero hindi ako madaldal. Hindi ako vocal masyado.

“I always write my sentiments through songs.

“I want to be able to impart my message to the whole Philippines, and the only way wherein I can do that is write it in songs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN