Jane Oineza confirms split with Jeron Teng

Umamin na si Jane Oineza na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Jeron Teng, ngunit hiwalay na sila ngayon. Si Jeron umano ang nakipaghiwalay sa kanya. Sabi ng young actress, "Siyempre may mga lessons learned. Memories… good memories."


Umamin na si Jane Oineza na nagkaroon sila ng relasyon sa basketbolistang si Jeron Teng, ngunit hiwalay na sila.

Sa episode ng Kris TV ngayong Huwebes, March 3, ipinaliwanag ni Jane ang tungkol sa naudlot nilang relasyon ni Jeron.

Pinag-uusapan kasi nila ang tungkol sa mga gulay at napunta ang usapan sa bitterness.

Dito na kinumusta ng host na si Kris Aquino si Jane, na guest sa naturang episode kasama si Arci Muñoz.

Tanong ni Kris kay Jane, “Speaking of bitterness, are you okay?”

Sinabi ni Jane na wala naman daw siyang problema.

Dito na nagkomento ang TV host-actress ng: “Ito yung ano… classic example na [relasyong] natapos na lang pero never umamin.”

Matagal nang napapabalitang may espesyal na namamagitan kina Jane at Jeron, ngunit kailanman ay hindi sila umamin.

Komento ni Jane, “Ano lang… may mga bagay lang na hindi mo [in-]expect na mawawala, pero nawawala, pero okay lang.”

Inamin din niyang si Jeron ang nakipaghiwalay sa kanya.

Tanong ni Kris: “You ended it?”

Sagot ni Jane, “Hindi po. Pero okay lang.

“Respect na lang.

“Siyempre, may mga lessons learned. Memories… good memories.”

Ano naman ang natutunan niya sa nagtapos nilang relasyon?

Sagot ni Jane, “Siguro kasi kapag mga ganun, mas nagma-mature ka, para ready ka sa ibang mga bagay na darating.”

Ayon sa Kapamilya young actress, ibinigay naman niya lahat ang suporta at pagmamahal kay Jeron kaya hindi niya masabing may pagkukulang siya rito.

Dagdag pa niya, “Siguro if it's not meant to be, then siguro hindi siya mangyayari.

”At siguro may mga bagay na mas deserve mo o mas deserve sa ibang tao.”

Sa hiwalay na panayam naman kay Jeron, sinabi nitong 'good breakup' ang nangyari sa kanila ni Jane dahil nananatili pa rin silang magkaibigan.

Kinailangan daw niyang layuan ang Kapamilya star dahil pakiramdam niya ay balakid siya sa gumagandang career nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN