Ang Tanging Ina cast reunites in Wenn Deramas's wake

Ai-Ai delas Alas and her "kids" in Ang Tanging Ina pay their last respects and give honor to their director, Wenn V. Deramas.


Nagsilbing reunion para sa ilang cast members ng Ang Tanging Ina movie franchise ang pagpanaw ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

Ngayong Biyernes ng umaga, March 4, nag-post sa Instagram si Ai-Ai delas Alas ng isang larawan kasama ang dalawa sa mga gumanap niyang anak sa movie series na idinirek ni Direk Wenn—sina Marvin Agustin at Shaina Magdayao.

Kasama rin nila sa larawan ang boyfriend ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan.

Simpleng caption ni Ai-Ai sa larawan, “Pagpag,” matapos nilang dumalaw sa burol ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels, sa Araneta Avenue, Quezon City.

Ni-repost naman ni Shaina ang nasabing Instagram photo ni Ai-Ai.

Nagpasalamat din siya kay Direk Wenn dahil naging tunay raw silang pamilya dahil sa pelikula.

Sabi pa ni Shaina, umaasa siyang makukumpleto silang mga “anak” para sa isang reunion.

Noong 2003 ipinalabas ang pelikulang Ang Tanging Ina na tumabo nang husto sa takilya.

Dahil sa tagumpay nito sa box office, nagkaroon pa ito ng dalawang sequels: Ang Tanging Ina N’yong Lahat noong 2008 at Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) noong 2010.

Nagkaroon din ito ng spin-off movies: Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round (2009) at Enteng ng Ina Mo (2011).

Nagkaroon din ito ng TV series mula 2003 hanggang 2005.

Bukod kina Marvin at Shaina, ang iba pang mga gumanap na anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina ay sina Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Serena Dalrymple, Jiro Manio, at Yuuki Kadooka.

Samantala, nagbigay-pugay rin kay Direk Wenn ang ilan pa sa mga naging “anak” sa Ang Tanging Ina movies, sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts; kagaya nina Heart, Nikki, at Serena.

Gayundin si Eugene Domingo na "best friend" ni Ai-Ai sa mga pelikulang idinirek ni Direk Wenn.

Rest in peace Direk Wenn, thank you for everything you brought to us.

A photo posted by Serena Dalrymple (@sdalrymple) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN