Vice Ganda tells how Wenn Deramas made his presence felt through Regine songs

Emosyunal man, ibinahagi pa rin ni Vice Ganda ang kanyang hindi malilimutang mga alaala tungkol sa samahan nila ng namayapang direktor na si Wenn Deramas. Hindi pa rin naiwasan ng komedyante na magpatawa sa kanyang mga kuwento.


Umabot sa halos labing-apat na minuto ang ginawang pag-alala ni Vice Ganda para sa yumaong kaibigan na si Direk Wenn Deramas sa Star Cinema/Star Creatives-sponsored mass kagabi, March 3, sa Chapel A ng Arlington Memorial Chapels, sa Araneta Avenue, Quezon City.

Noong una, hindi raw alam ni Vice kung paano magbigay ng mensahe, ngunit sinabihan daw siya ng Star Cinema executive na si Roxy Liquigan na gawin itong "light message."

Kaya naman idinaan sa pakuwela ni Vice ang kanyang naging talumpati, kahit sa ilang bahagi nito ay bumigay siya at hindi napigilang humagulhol.

Isa raw sa pinakamahirap na ginawa ni Vice nang pumanaw si Direk Wenn noong Lunes, February 29, ay ang pagpili ng isusuot nito at kabaong na hihimlayan.

Read: Vice Ganda reveals Direk Wenn Deramas's coffin is worth P1.3 million

DIREK WENN’S PRESENCE. Ikinuwento ng TV host-comedian ang pagpaparamdam ni Direk Wenn noong madaling-araw ng Miyerkules, March 2.

“Kagabi [Miyerkules], kaninang madaling-araw, mag-isa lang ako dito, para akong sira-ulo.

“Kumakanta ako, kinakantahan ko siya diyan. Naka-white pa ako.

“Sabi ko, ‘Malungkot, magpatugtog tayo ng Regine [Velasquez songs].’

“Kinuha ko yung speaker ko, nagpatugtog ako ng Regine.

“Puro Regine lang ang tugtog kasi paborito niya yung Regine.

“Tapos sabi ko, ‘Ilang araw ba para malaman ‘yan na wala na siya?’

“Sabi nila diyan, ‘Three days.’

“Naisip ko, ‘One, two... Oh, my God, ito na yung pang-third day.’

“Sabi ko, ‘Nasa'n na kaya siya?’

“Biglang tumunog yung speaker, ‘Narito ako...’”

Ang "Narito Ako" ang isa hit songs ni Regine.

Tawanan ang mga tao na nasa chapel.

Patuloy ni Vice, “Totoo, naloka kaming lahat talaga.

“Sabi ko, ‘Ano ba yun? Bakit ‘Narito Ako’ yung kinakanta ni Regine?’

“Tapos, sabi ko ulit, ‘Nasan na kaya si Mother?’ Kasi hindi ko siya tinatawag na Direk Wenn, madalas Mother.

“Tapos, sabi ko, ‘Mother, uuwi na ako, ha. Huwag mo ako pupuntahan sa bahay, ha, babalikan na lang kita bukas.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, kumakanta ulit yung Regine… ‘Maghihintay ako sa ’yo.’

“Sabi ko, ‘Ano ba ‘to, kinakantahan talaga niya yata ako.’

“Hindi ko na alam kong ano na ang nararamdaman ko ngayon, para na akong sira-ulo.”

DARNA NA SI DING. Nabanggit din ni Vice sa kanyang pagbabalik-tanaw kagabi ay ang plano nila ni Direk Wenn na gumawa ng isang Darna movie.

Sabi nito, “Paano na yung pangarap naming gumawa ng Darna na si Ding? Bading pala si Ding.

“Ayun ang pangarap namin, ‘Kailangang makagawa ka ng Darna.’

Darna na si Ding. Paano na iyon? Hindi ko alam.”

Kasunod na ikinuwento ni Vice ang pagpapahalaga sa oras ni Direk Wenn.

“Time is something that you value the most. He treasures time.

“Mahalaga pala yung oras sa kanya pero yun din ang ipinagkait niya sa akin.

“Yung mas mahabang time, na magsasama kaming dalawa.”

Base naman sa mga naririnig ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), baka si Vice na rin ang magdirek ng kanyang upcoming movies, kung saan kukuha lamang ang Star Cinema ng taga-execute nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN