Angeline Quinto feels the loss of Direk Wenn Deramas

Ayon kay Angeline Quinto, labis na lungkot din ang kanyang naramdaman sa pagpanaw ng box-office director na si Wenn Deramas. Nakapagpalagayang loob na rin daw sila at may balak pang gumawa ng proyekto.


Hindi man sila ganun ka-close, nagbigay-pugay pa rin ang singer-actress na si Angeline Quinto sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Sa sponsored-mass ng Star Cinema at Star Creatives sa ika-apat na gabi ng lamay ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels noong March 3, Huwebes, nag-alay si Angeline ng isang awitin para rito.

Nalaman daw kasi ng Kapamilya singer na isa sa mga kanta niya ay paborito ng yumaong direktor.

Kuwento niya sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi po nung simula, nung naging close ako kay Ate Vice [Ganda], madalas ko na rin siyang makita sa ABS-CBN...

"Sa mga party ni Ate Vice, ni Sir Deo [Endrinal], at tuwing may trabaho po ako sa ABS-CBN, yun yung mga pagkikita namin.

“Saka hindi naman siya masungit na tao, e, napaka-approachable niya. Kahit sa mga hindi niya kilala, lagi siyang naka-smile.

“Hindi ko makalimutan yung time na sinabi niya sa akin na... paborito pala niya yung theme song ng The Legal Wife.”

Isang beses daw ay natanong siya ni Direk Wenn kung kailan sila magkakatrabaho.

“Sabi ko nga po, ‘Hindi ko alam, Direk, kung kailan ulit ako mabigyan ng chance na makagawa ng pelikula.’

“Siyempre sabi ko, 'Isa ka sa mga direktor na gusto kong makatrabaho.

“Kasi, di ba, yung mga pelikula na ginagawa ko ay mga comedy din?

“So, yun, kaya lang nakakalungkot lang po na hindi nangyari.

“Pero dapat magkakaroon po ng chance na mag-pitch in ako ng isang project with Direk Wenn.

“Kaso hindi lamang po natuloy, dapat ire-rsked yun kasi nagkaroon ako ng biglaang event sa Fontana.

“Kaya nagulat ako, madami po talagang nagulat sa pagkawala po niya.”

Binawian ng buhay si Direk Wenn noong Lunes, February 29, dahil sa cardiac arrest, sa edad na 49.

“NAG-PRAY NA LANG AKO.” Ikinuwento rin ni Angeline kung paano niya nalaman ang pagkamatay ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kagigising ko lang. Ang una kong natanggap na message sa pinsan ko.

“Sabi niya, ‘Ge, totoo ba na wala na daw si Direk Wenn?’

“So, hindi ako nag-reply. Hanggang sa tiningnan ko yung Twitter, tiningnan ko yung tweet ng ibang tao na, ayun nga po, ang daming 'RIP Direk Wenn.'

“So, si Ate Vice po agad ang naisip ko, kasi alam naman po nating lahat na si Ate Vice ay isa sa mga pinaka-close kay Direk Wenn.

"Halos lahat ng mga blockbuster movies ni Ate Vice ay siya po ang nagdirek, di ba?

“So yun, sa group chat namin nina Ate Vice, nakita ko nga po na may mga nagsabi din na wala na si Direk Wenn, umiiyak sila.

“Ayun… ang ginawa ko na lang, nag-pray na lang ako, kasi nag-church ako noong gabi.

"Hindi po ako nakapunta agad dito sa Arlington kasi may mga trabaho din po ako, kasama si Ate Kris [Aquino].”

Ano ang mensaheng nais niyang iparating kay Direk Wenn?

Sabi ni Angeline, “Nakikita niyo naman po kung gaano karami yung tao na nagmamahal sa kanya, bukod sa pamilya niya.

"Ang daming tao na parang kumbaga hindi lang sa nalungkot kundi parang nagkulang ang buhay, lalo na yung malalapit sa kanya.

“Ako naman po, hindi naman talaga ako ganun ka-close kay Direk Wenn, pero yung panghihinayang ko nung nawala siya, talagang malaking bagay po talaga.

“Pero alam ko naman po na kung saan man siya ngayon, masaya siya at alam kong hindi niya pababayaan yung mga taong mahal na mahal niya.

“So, thank you kay Direk Wenn, at maraming-maraming salamat sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN